Zsa Zsa Padilla disappointed by delay of her annulment case


"It's better to look at it on the bright side, di ba? I'm not mad but kind of disappointed because it's been long overdue na," says Zsa Zsa Padilla (pictured) about the annulment case of her marriage with Dr. Modesto Tatlonghari.


Nginingitian na lang daw ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang balitang hindi na naman natuloy ang pagbaba ng petisyon para tuluyan nang ma-annul ang kasal niya sa estranged husband niyang si Dr. Modesto Tatlonghari.



Dahil daw sa technical difficulties kung bakit hanggang ngayon ay wala pang linaw ang pagpapa-annul ni Zsa Zsa ng kanyang unang marriage. Dahil din dito, hindi pa rin matuloy-tuloy ang matagal na nilang plano ng Comedy King na si Dolphy na magpakasal.



Gustuhin man daw magkomento ni Zsa Zsa sa nangyaring ito sa kanyang annulment case ay pinili na lang niyang manahimik para hindi na raw lalong maapektuhan ang kaso. Kung tungkol naman sa marriage plans nila ni Dolphy, wala pa rin daw siyang maikukuwento, not until matapos na at mai-grant na sa kanya ang annulment.



"It's better to look at it on the bright side, di ba? I'm not mad but kind of disappointed because it's been long overdue na. But I know that the Lord has good plans. Let's just be positive about it all," simpleng pahayag ni Zsa Zsa sa 4th Golden Screen Awards last March 17.



Speaking of wedding plans, nagulat ang Divine Diva nang may nagtanong sa kanya kung may wedding plans na rin ang kanyang panganay na si Karylle—anak niya kay Dr. Tatlonghari—at ng boyfriend nitong si Dingdong Dantes. Sa pagkakaalam ni Zsa Zsa ay magse-celebrate ang dalawa ng kanilang second anniversary bilang mag-syota, pero wala pa naman daw kasalan na magaganap.



"I'm shocked kasi walang binabanggit sa akin si Kay about that, huh!" sabay tawa niya. "Alam ko that April is their anniversary month, so yun ang ise-celebrate nila. Hindi naman siguro kasal because I know that Kay and Dong have big plans pa for their careers. Hindi pa sila ready to settle down kasi mga bata pa sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa niya, "Tsaka if they have serious plans, I would know about it. Wala namang inililihim sa akin ang anak ko. And Dong is such a responsible boyfriend. Ipapaalam naman nila sa akin kung anuman ang plans nila."



Pero wala naman daw problema in case na mag-decide ang dalawa to settle down. Basta alam niya raw ito at hindi siya bibiglain ng dalawa ay papayag siya.



Ayon kay Zsa Zsa, "Kung tutuusin naman ay nasa tamang edad na sina Kay and Dong to really start their own family. Nasa desisyon naman nila ‘yon, e. Kung gusto nila, may magagawa ba ako para pigilan sila?



"They will always have my support. Nandito ako for my daughter and welcome na welcome naman talaga si Dong sa pamilya namin. They look so good together, di ba?" aniya pa.



Halatang medyo tumaba rin ang singer-actress, pero patuloy na under medication si Zsa Zsa dahil nga sa naging operasyon niya last year.



"Tuluy-tuloy ang medication ko kasi ilang months pa lang naman yung operation ko. That was noong October 2006. So far, I'm doing fine kaso I gained weight because I wasn't able to work out because of the operation. But I'm slowly doing exercises na with a personal trainer," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN