Alma Moreno says politics has nothing to do with her breakup with Gerald Madrid


"Natutuwa ako dahil at least, ngayon, may panahon na siya sa mga anak niya. Sana maging maligaya na sila," says Alma Moreno about ex-boyfriend Gerald Madrid.


Inamin ni Gerald Madrid na masakit pa rin sa kanya ang nangyari sa kanila ni Alma Moreno. Ayon kay Gerald, wala raw kasi silang formal break-up ng aktres. Basta't ang natatandaan daw ni Gerald ay sinabihan siya ni Alma na umuwi muna sa Daddy niya kung saan nakatira ang tatlong anak niya sa dating asawa.

Sinunod naman daw ni Gerald at inunawa ang gustong mangyari ni Alma dahil alam niya na tatakbo bilang konsehal sa isang distrito ng ParaƱaque kaya inisip niya na baka gusto lang ng aktres na i-prioritize ang pangangampanya. Pero laking gulat daw ng aktor nang bigla na lang maglabasan sa mga diyaryo ang pahayag ni Alma na break na sila.

"'Yun na pala 'yon," malungkot na reaksiyon ni Gerald.

Ngunit ayon sa panayam ng S-Files kay Alma ay matagal na silang nagkakalabuan ni Gerald. Sinabi pa niya na mutual decision nila ang paghihiwalay. Kasabay nito, nilinaw niya na walang kinalaman ang pulitika sa kanilang hiwalayan.

"Nagkataon lang na I'm running now in ParaƱaque, pero wala talagang kinalaman sa pagpasok ko sa pulitika yung nangyari sa amin ni Gerald," paglilinaw pa ni Ness (palayaw ni Alma).

Ikinatuwa nga raw ni Ness ang balitang simula nang maghiwalay sila ay lagi nang kasa-kasama ni Gerald ang tatlong anak. May balita rin na nagkabalikan na ang aktor at ang asawa nito.

"Natutuwa ako dahil at least, ngayon, may panahon na siya sa mga anak niya. Sana maging maligaya na sila," nasabi pa ni Ness na tila hindi naman apektado sa breakup nila ng batang aktor.

Sa hiwalay na panayam, itinanggi naman ni Gerald na nagkabalikan na sila ng dating asawa.

Aniya, "Nakatira ako sa parents ko ngayon kasama ang tatlong anak ko. Sa akin na ipinagkatiwala ng ex-wife ko ang mga bata dahil malapit ang bahay namin sa school nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos dalawang taon din tumagal ang relasyon ng dalawa sa kabila ng malaki nilang age gap. Si Ness ay 20 years older kay Gerald.

Ngayon nga, habang busy sa kampanya si Ness, si Gerald naman ay nagsisikap muling buhayin ang kanyang career sa tulong ng bago niyang manager na si Direk Maryo J. de los Reyes.

Umaasa naman si Ness na sa kabila ng nangyari ay susuportahan pa rin ni Gerald ang kanyang kandidatura.

"Magkaibigan pa rin naman kami, so I hope naro'n pa rin 'yung suporta niya. Natutuwa nga ako kasi yung father niya ay nangako na tutulungan ako sa pagtakbo ko, " ani Alma.

Tungkol naman sa isyu na masama ang loob ng anak ni Ness na si Mark Anthony Fernandez sa kanya dahil hindi man lang siya nag-abalang dalawin ang ama nitong aktor na si Rudy Fernandez (unang asawa ni Ness) noong kasalukuyang nakaratay ito sa ospital ay ito ang naging sagot ng aktres: "Nakapag-usap na kami ni Mark tungkol diyan. And tiniyak ko sa kanya na wala kaming problema ng Dad niya. Alam din niya na ipinagdarasal ko na sana gumaling na nang tuluyan si Daboy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN