Angelika dela Cruz joins the cast of 'Pedro Penduko'


Young actress-singer Angelika dela Cruz (pictured) will now be part of the toprating adventure series Pedro Penduko, starring Matt Evans. Angelika is also regularly seen as one of the resident judges of the singing talent search Little Big Superstar.



Nagbabagu-bago ang next project ni Angelika dela Cruz for ABS-CBN.

Now a regular of the ABS-CBN singing-star search show Little Big Superstar, katatapos lang din ni Angelika ng kaniyang workshop. Papasok din kasi siya sa Pedro Penduko now on its third season.

Hindi na matutuloy ang dapat sana'y sarili niyang Komiks episode with Vhong Navarro, ang Lastikman. Consequently, hindi na rin natuloy ang isa pa sanang Komiks episode ni Vhong, ang Buhawi Jack. Successful kasi ang Da Adventures of Pedro Penduko ni Matt Evans kung kaya't dagdag nang dagdag ang season nito with new big stars added for every adventure.

Hindi na rin matutuloy ang dapat na primetime soap opera ni Angelika dahil malamang daw na ang next project niya ay sa Sine Serye. Sinimulan ng ABS-CBN ang pre-primetime umbrella project na Sine Serye with Palimos ng Pag-ibig na pinagbibidahan nina Diether Ocampo, Kristine Hermosa, at Rica Peralejo. Susundan ito ng Hiram Na Mukha starring Heart Evangelista and Geoff Eigenmann. Ang magiging ikatlong project ay ang kay Angelika na.

Hindi pa lang alam if it will be a Vilma Santos movie or a Maricel Soriano one—coincidentally, parehong may "langit" ang title. Kung ang Vilma movie ang gagawin niya, it would be the remake of Kapag Langit ang Humatol. Kung ang kay Marya naman, it would be the remake of Kaya Kong Abutin ang Langit.

Angelika's Sine Serye project is also the reason kung bakit hindi na niya natanggap ang Lastikman episode ng Komiks dahil magsasapawan ang dalawa. Ang ending, ipinasok na lang din siya sa currently being aired Pedro Penduko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN