Right on the heels of the very successful coffee table book of sexy actor Alfred Vargas, marami ang nag-iisip na gumawa ng sarili nilang coffee table books.
Matagumpay at soldout ang coffee table book ni Alfred kung saan first time siyang nagpaka-super daring. Nag-teaser muna si Alfred sa isang issue ng X Ray magazine noon bago niya ito inilunsad.
Balitang ang gustong isunod ng publisher ng coffee table book ni Alfred ay si Dingdong Dantes. Pero hanggang sa ngayon, nagdadalawang-isip pa rin si Dingdong kung magpapaka-daring na rin or not.
May isa pa palang nagpaplano ng ganitong project and this could be a bigger one dahil nagbabalak ang mga lalaki ng pamilyang Eigenmann to have a coffee table book na gusto nilang tawaging "The Eigen Men."
Balitang mangunguna rito ang magkapatid na Michael de Mesa and Mark Gil, themselves beefcakes of their generation.
Makakasama raw nila ang third generation of Eigenmann na sina Ryan, Geoff, and AJ Eigenmann—mga anak nina Michael and Gina Alajar—at ang half-brothers na sina Gabby Eigenmann and Sid Lucero na mga anak naman ni Mark.
If ever, halos first time lahat ito for the third generation of the family of stars started by Ms. Rosemarie Gil and Eddie Mesa, with the exemption of Ryan na minsan na ring nag-pose ng sexy for yet another issue of X Ray.