Yasmien Kurdi almost finished with her second album


After the success of her debut album from GMA Records, young actress-singer Yasmien Kurdi is now in the process of finishing her follow-up album.



Magkasunod noon na ini-launch ng GMA Records ang mga album ng dalawang StarStruck girls na sina Jennylyn Mercado and Yasmien Kurdi. While naunang nasundan ang kay Jennylyn, balitang naging mas malakas sa bentahan ang debut album ni Yasmien.

Katunayan, tatlo sa kanta sa unang album ni Yasmien ay nagamit bilang theme song ng mga Koreanovelas ng GMA-7. Ginamit ng Sweet 18 ang kanta niyang "I Know." Ang "In The Name of Love" naman ang naging theme song ng Frog Prince. Ang naging theme song ng My Romance ay ang "Umaambisyon."

Matatapos na ang second album ni Yasmien also from GMA Records. The album title is Love Is All I Need at ang magiging carrier song ay ang remake ng "Kisapmata" ng Rivermaya.

Nagamit din ni Yasmien ang kaniyang pagkanta sa soap niyang na Bakekang. Si Yasmien ang gumaganap bilang Charming, ang pangit na kambal ni Kristal played by Lovi. Si Charming ang naging ghost singer noon ni Kristal nang nawalan ito ng boses. Nang nagkahiwalay ang dalawa due to a sea accident, nakuha ni Valeria, played by Sheryl Cruz, si Charming at ipinaayos ang mukha nito at kinilala bilang si Karisma.

Magtatapos na ang Bakekang sa first week of April at magla-last taping day ito sa Friday, March 23, sa AFP Theater kung saan kukunan ang singing showdown nina Charming at Kristal.

Pagkatapos ng Holy Week, aasikasuhin ni Yasmien ang kaniyang second album dahil during the Lenten season mismo, malamang na nasa Dubai siya for a show with Rufa Mae Quinto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN