Jolina Magdangal's boyfriend to file his candidacy on March 28


Lawyer Bebong Muñoz will file his candidacy a day before the deadline and, of course, his girlfriend Jolina Magdangal will be there to show her support.



Sa March 28, Wednesday, sasamahan ng multimedia star na si Jolina Magdangal ang kaniyang boyfriend na si Bebong Muñoz para mag-file ng candidacy sa darating na eleksyon.

New York-based lawyer Bebong returned to the Philippines with long time girlfriend Jolina to pursue a political career. Binuo niya ang kaniyang six months residency sa second district of Caloocan City para makatakbo siyang representative ng naturang lungsod. March 29 ang deadline of filing for the local seats so second to the last day magpa-file si Bebong.

Sasamahan ni Jolens ang kaniyang boyfriend sa pagpa-file nito. Hindi pa nila alam kung sino pa ang mga actor friends na makakasama nila dahil as it is, busy silang dalawa for their different commitments. Hindi pa kasi tapos si Jolens sa movie nila ni Judy Ann Santos na Ouija ng GMA Films and Viva Films, although natapos na nila ang mga Camiguin sequences nila. Last Tuesday, sa Pilila, Rizal, sila nag-shoot. Ouija is under the direction of Topel Lee.

Nangako naman si Jolens na all the way ang magiging suporta niya sa candidacy ng kaniyang boyfriend.

Originally cast as the bride-to-be ni Ryan Agoncillo sa upcoming Regal movie na My Kuya's Wedding—starring Maja Salvador and Jason Abalos to be directed also by Topel—nag-beg off si Jolens dahil baka magka-conflict ang shooting nito sa pangangampanya niya for Bebong. Jennylyn Mercado replaces Jolens in the movie.

August pa ang showing ng Ouija, so puwede itong tutukan ni Jolens after the May 14 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN