Tessie Tomas turns down political offers


"Komedyante ako and entertaining people is my forte, and not politics," says Tessie Tomas about offers for her to run for public office.



Ilang beses na palang inalok ang comedienne na si Tessie Tomas upang tumakbo for a position in government. Noon nga raw 2004 elections ay may lumapit daw sa kanya kung puwede siyang maging national candidate. This year ay may lumapit ulit sa kanya, pero tinanggihan niya ulit ito.



"I feel that I am not made for politics. I am made to spoof politicians!" tawa ni Aling Teysi sa press con ng Rock Da Vote last Tuesday sa ABS-CBN compound.



"Noon pa man, may mga invitations na ako to run, even those coming from my home province in Leyte. Kung anu-anong posisyon sa government ang inu-offer sa akin, pero I always turn them down. Akala nila porke't ini-spoof ko sina Imelda Marcos, Cory Aquino, and Miriam Defensor-Santiago ay puwede na akong maging katulad nila.



"In my own opinion, leave it to those who know better. Hindi ko naman kasi linya ‘yan, e. I am an artist. Komedyante ako and entertaining people is my forte, and not politics," sabi pa ni Tessie.

Isa pang dahilan kung bakit hindi siya puwedeng tumanggap ng anumang imbitasyon sa pulitika ay dahil hindi siya papayagan ng kanyang British husband na si Roger Pullin.



"Hindi niya gusto ang politics," sabi ni Tessie. "Noong malaman niyang may mga offers ako, he said that he will leave me at sa London na lang siya titira kung tatanggapin ko. Huwag daw akong papasok sa ganyang magulong buhay. I assured naman Roger that I will not enter politics. Hanggang sa showbiz lang talaga ako."



Katatapos lang ng one-woman stand-up series ni Tessie na TT@25. Ngayon ay ibabalik niya ang kanyang pinasikat na character na si Meldita sa pagbabalik ng political comedy event na Rock Da Vote.



Ilang taon na ring kabahagi si Tessie ng Rock Da Vote at iba't ibang mga komedyante na ang nakakatrabaho niya rito. This year ay kasama niya sina Jon Santos, Candy Pangilinan, Pooh, Chokoleit, at John Lapus. Itatanghal ito sa Music Museum ngayong April at produced ito ng ASAP Live.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN