Prince Stefan very vocal about his feelings for Rich Asuncion


"Iba ang pakiramdam ko kapag may nagiging close na ibang lalake kayRich. Nahihiya naman akong magsabi noon kay Rich kasi magkaibigan nakami. Kumbaga, siya ang best friend ko among the girls kaya itinago kona lang yung nararamdaman ko for her," says StarStruck finalist Prince Stefan about Rich Asuncion.



Hindi na naitago ng StarStruck finalist na si Prince Stefan ng Iloilo ang kanyang paghanga sa kanyang kapwa finalists na sina Jewel Mische at Rich Asuncion.



Sa huling week nila bago ang Final Judgment sa March 25, Sunday, at the Marikina Sports Park, nagkaroon ng kani-kanilang confessions ang Final 6 at dito nga sinabi ni Prince na si Jewel talaga ang unang nagustuhan niya. Pero mabilis daw na nabaling ang pagtingin niya kay Jewel dahil sa naging close ang dalaga sa natanggal na si Paulo Avelino.



"Nagselos kasi ako kay Paulo," banggit ni Prince. "Tuwing may activities kasi kami, parating sina Paulo at Jewel ang magkatabi. Sila talaga ang close na close. Mahirap nang pasukan pa kaya hindi ko na itinuloy. Masaya ako na nakikita kong happy rin si Jewel kay Paulo."



Si Rich ang naging malapit kay Prince during the contest, pero may mga pinagselosan din daw siya na mga guys na malapit kay Rich.



"Nagselos ako kay Dex [Quindoza], kay Mart [Escudero], at kay Aljur [Abrenica]," pag-amin ni Prince. "Iba ang pakiramdam ko kapag may nagiging close na ibang lalake kay Rich. Nahihiya naman akong magsabi noon kay Rich kasi magkaibigan na kami. Kumbaga, siya ang best friend ko among the girls kaya itinago ko na lang yung nararamdaman ko for her."



Hindi naman daw kaila sa lahat na kapos sa tinatawag na pagmamahal si Prince dahil hindi nga siya lumaki na kasama ang kanyang biological parents at maging ang kanyang mga kapatid. Ito ang dahilan kaya sa ibang tao na lang daw niya ito hinahanap.



"Si Rich kasi, parang naging mother ko na," sabi ni Prince. "Siya yung nagpapalakas ng loob ko parati kapag feeling ko ay may mga mali akong nagagawa. Mabait si Rich kaya noong first time na natanggal siya, nalungkot ako kasi wala na naman akong makakausap na makakaintindi sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero noong makabalik siya, ako yung unang natuwa talaga. ‘Tapos nakasama pa siya sa Final 6 kaya whatever happens, win or lose, magiging masaya kami for one another," patuloy niya.

Kung palarin daw na manalo si Prince bilang Ultimate Hunk o di kaya ay sa Ultimate Loveteam, ang una niyang gagawin ay ang ipagamot ang kanyang ina na nasa Mindanao ngayon. Nagkaroon daw ito ng kumplikasyon sa ilong nang magparetoke ito noong nagsasama pa sila ng ama ni Prince na isang Arab prince.



"Nahihiya siyang ipakita kaya parating may takip sa may ilong niya. Kahit na walong taon kaming hindi nagkasama, nanay ko pa rin siya at nangako ako na ipapagamot ko siya," pagtatapos na ni Prince.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN