Angelica Panganiban admits "special relationship" with Derek Ramsey


"Nakilala ko naman siya na naging honest sa akin. Open naman kami saisa't isa. So, wala naman kaming dapat problemahin doon. Saka kung anoman ‘yong past niya, past niya 'yon. Ganun din ako, kung ano ang pastko, past ko 'yon," says Angelica Panganiban about rumored boyfriend Derek Ramsey.



"Kahit sardinas o kahit wala na kaming kainin ng buong pamilya ko, hindi ako papatol sa kahit na sino, magkapera lang," ito ang mariing sinabi ng young actress na si Angelica Panganiban sa grand press conference ng Rounin sa Club O (dating Dish) sa ELJ Building ng ABS-CBN kagabi, March 22.



"Oo naman with period, ganyan, itaga n'yo sa bato! Nakaka-offend! Sama nila! Ang kapal ng face nila! O wala na silang magawa sa akin? Ang chachaka nila, sabihin ninyo!" mataray pa niyang tugon bilang reaksiyon sa pagli-link sa kanya sa isang politician.

Sa kabila ng maaanghang niyang salita, masasabing nasa mood ang si Angelica dahil game na game itong sumagot sa mga tanong ng entertainment press habang suot ang kanyang seksing costume sa Rounin na hapit sa kanyang balingkinitan na pangangatawan.



Maliban sa pagkaka-link ng young actress sa isang pulitiko ay masayang nakipagtsikahan si Angelica tungkol sa nali-link sa kanya ngayon na si Derek Ramsey. Ayon kay Angelica, boyfriend material daw ang model-turned-actor pero hindi niya direktang sinabi kung ano na ang estado ng kanilang relasyon ngayon. Sabi pa niya, si Derek na lang daw ang kausapin tungkol dito.



"Hindi ko talaga alam, confused ako sa relasyon namin," sabi ni Angelica.



Hindi naman inililihim ni Angelica na lumalabas sila ni Derek. Nanonood ng sila sine, kumakain sa labas, at dinadalaw siya ng model-actor sa bahay niya. May pagkakataon din daw na isinasama siya ni Derek sa bahay nito kasama ang iba pa nilang barkada.

Masaya ring ikinuwento ni Angelica na natuto siyang magluto ng mga de lata para may maipakain kay Derek kapag dinadalaw siya nito sa kanyang condo unit.

"Ipinagluluto ko siya ng pork and beans at ang paborito niya ay corned beef at pancit canton. Talagang nagluluto ako hanggang gutom pa siya!" sabi pa ni Angelica.



Nabanggit din ng young actress na noong sila pa ng kanyang first boyfriend na si Carlo Aquino ay hindi niya ito naipagluto tulad ng ginagawa niya ngayon kay Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi ko pa kasi ako marunong magluto noong kami pa [ni Carlo], e. Napakalungkot!" may halong birong sabi ni Angelica.



Ayon pa rin kay Angelica, marami siyang naririnig na mga balita tungkol kay Derek na kung magpapaapekto siya ay talagang hindi magtatagal ang kanilang special relationship.

"Hindi naman ako natatakot sa kanya [Derek]. Siyempre, nakilala ko naman siya na naging honest sa akin. Open naman kami sa isa't isa. So, wala naman kaming dapat problemahin doon. Saka kung ano man ‘yong past niya, past niya 'yon. Ganun din ako, kung ano ang past ko, past ko 'yon," paliwanag niya.

No doubt, a picture of woman in-love si Angelica sa nasabing press con ng Rounin, na sinasabing isang higanteng produksiyon na isa't kalahating taong pinaghandaan at pinaghirapan.



Ginagampanan ni Angel dito ang papel ni Aura, isang Rounin (mandirigma) at pinakamagaling sa larangan ng aria (wushu). Lumalaban siya sa ngalan ng pag-ibig para sa kanyang bayan at bawal na pag-ibig kay Juris na ginagampanan naman ni Luis Manzano.

Masasaksihan na ang Rounin ngayong Abril sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN