Ina Raymundo reveals intimate moments with her Canadian husband


"Kinikilig pa rin ako. As in ‘pag minsan nakikita ko siya sa banyo nawalang suot, naka-shorts lang—ginawang wholesome! Hahaha! Talagangnapapatingin pa rin ako," narrates Ina Raymundo about her Canadian husband, Brian Poturnak.



Nakakapagpainit pa rin ng dugo ang kaseksihan ni Ina Raymundo sa pag-apir niya sa presscon ng Rounin, ang tele-epiko ng ABS-CBN. Marami tuloy ang nagsabi na kayang-kaya pa ring makipagsabayan ni Ina sa mga sikat na sexy stars ngayon.

In fact, ayaw tantanan ng offers si Ina na mag-pose para sa sexy magazines. Pero tahasan niyang sinabi na, this time, kailangan may approval na ng kaniyang Canadian husband na si Brian Poturnak bago niya tanggapin ang offer.



"Kinukuha nga ako ng isang men's magazine, pero sabi ko, magpapaalam muna ako sa asawa ko. Kaya lang, hindi siya [Bryan] pumayag!" natatawang kuwento ni Ina, na nakilala noon bilang isa sa top sexy stars ng kanyang kapanahunan.

"Sabi ko, ‘Why? Mas marami silang article ngayon. Kumbaga, mas ano sila malalim.' Tapos sabi niya, ‘It's still a men's a magazine.' Kilig naman ako!



"Hindi na ako humirit kasi sabi niya, ‘Besides, you wouldn't like it.' Kasi alam na nga niya na tapos na ako doon. Kumbaga, yun naman ang ipinangako ko sa sarili ko na ‘pag nagkaanak ako, tapos na," lahad pa ni Ina.



Malaki na raw naman ang difference at ikinaganda ng paggawa ng sexy pictorials ngayon ng mga glossy magazines.



"I know, pero sabi ko nga, ‘You know what? Even if I say yes, I won't do it,'" sabi pa ni Ina.



Aminado naman si Ina na sobrang na-miss niya ang pag-arte. Kaya naman tinanggap niya ang offer ng ABS-CBN to play an importante role sa Rounin.



"Kaya ako nag-artista ulit, napansin ng asawa ko, dinadramahan ko ang mga anak ko. Sabi ko sa mga anak namin ni Brian, sina Erika at Jacob, ‘Why are you doing this to me?' Emotional Mommy daw ako. Pinagpa-praktisan ko raw ang mga anak ko. ‘Hay, naku, I gotta act.' Kasi talaga napansin ng asawa ko, emotional daw ako. Yung tipong, ‘Are you really serious when you said that?' Parang maiyak-iyak daw ako. ‘Yes,' sabi ko. Talagang madrama ako. Kaya sabi ko, ‘Time to work. I miss acting.' Tinanong ko pa nga si Brian, ‘Am I being emotional?' ‘You are emotional, yes,' sabi niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kitang-kita sa mga mata ni Ina kung gaano siya kasaya sa kanyang buhay bilang asawa at ina.

"Yeah, he's mabait. Ay, wala siyang chicks. Yummy!" sabi ni Ina.

Kinikilig pa rin ba siya sa asawa niya?

"Grabe!" tili niya. "As in, seven years na kami this year. Gusto pa namin ng isa pang baby. Okay lang kung boy or girl. Anything.

"May kilig pa rin talaga. Kinikilig pa rin ako. As in ‘pag minsan nakikita ko siya sa banyo na walang suot, naka-shorts lang—ginawang wholesome! Hahaha! Talagang napapatingin pa rin ako," sabay kagat ni Ina sa kanyang labi.



"Tapos ang style ko sa bahay, kahit malamig na, naka-shorts talaga ako. As in, short shorts, huh! Talagang naka-plunging neckline. Yun lang ang suot ko. Tapos nagba-butt out ako. Tapos tinitingnan ko kung nakatingin siya. Nagpro-project ako, hindi niya alam. Tapos napapalingon siya. Tapos gabi na... Ay, yun na! May nangyayari na!" natatawa pa niyang kuwento.

Kapag nag-e-emote ba siya ng ganun, 100 percent siyang napapansin ni Bryan?



"Oo, kailangan mapansin niya!" sabi ni Ina.



Ano ang sinasabi sa kanya?



"'Hon, you're still hot,' ganyan. Basta bolahan kami. Tapos sasabihin ko sa kanya, ‘Honey, you're so yummy. You know, I really desire you up to now.' Grabe talaga! Sobra! Tapos siyempre fishing ako. ‘Do you still desire me?'" tawa ulit niya.

Marami pang kuwento si Ina tungkol sa intimate moments nila ni Brian,pero dahil sa medyo maselan ay hanggang dito na lang ang artikulongito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN