Shaina Magdayao to say "yes" to Rayver Cruz after her debut?


"Gusto ko rin yung pagiging matangkad niya. Kasi sa lahat yata ng ipinartner sa akin, siya talaga yung bumagay sa height ko. At least, now, with him as my ka-loveteam, I can wear high-heeled shoes without worrying that I might be taller than him," says Shaina Magdayao about her loveteam and suitor Rayver Cruz.


Sa press con ng Rounin last Thursday, March 22, sweet na sweet ang magka-loveteam na sina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, pero itinanggi nila na sila na. Kaya tinanong na lang ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rayver kung nararamdaman ba niya na may gusto rin sa kanya si Shaina, na ayon pa sa binata ay dalawang buwan na raw niyang nililigawan. Hindi agad nakasagot si Rayver, pero hindi siya tinantanan ng PEP kaya napilitan din siyang magsalita.

"Puwede," tipid na sabi ni Rayver sabay sulyap sa katabing si Shaina.

Binalingan naman ng PEP ang dalaga at tinanong kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Rayver.

"Okay lang," nakangiting sagot ng dalaga.

Ayon kay Rayver, ang nagustuhan niya kay Shaina ay ang pagiging maalaga nito.

"Sobra siyang caring lalo na kapag nasa set kami. Minsan nagugulat na lang ako kasi bigla na lang may darating na pagkain para sa akin. Iniisip ko pa lang magpa-deliver ng food, pero naunahan na niya ako," kuwento pa ng binata.

Nang si Shaina naman ang tanungin kung ano ang nagustuhan niya kay Rayver ay sinabi niyang, "Mabait ho kasi si Rayver, maasikaso at maalalahanin siya. Marinig niya lang ako saying na gusto kong kumain, he will immediately ask his assistant to buy me my favorite food at a popular fast food restaurant.

"Gusto ko rin yung pagiging matangkad niya. Kasi sa lahat yata ng ipinartner sa akin, siya talaga yung bumagay sa height ko. At least, now, with him as my ka-loveteam, I can wear high-heeled shoes without worrying that I might be taller than him," tawa pa ni Shaina na may taas na 5'6" sa edad na 17 samantalang ang 17-years-old ding si Rayver ay 6-feet flat.

Nabanggit din ni Rayver na dose anyos pa lang siya ay matindi na ang pagkagusto niya kay Shaina. Dagdag pa niya na una niyang nakita ang dalaga nang mag-guest sila sa show ng ABS-CBN na Flames.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Mga 11 siya noon and 12 ako. Noon pa lang, nabighani na ako ng kanyang kagandahan."

After five years, saka lang daw niya nagawang pormahan si Shaina.

"Ngayon lang kasi siya pinayagang magpaligaw. Pero mga bata pa lang kami, nagpaparamdam na ako sa kanya na gusto ko siyang ligawan."

E, kailan naman kaya balak sagutin ni Shaina ang young actor?

"Ewan ko po, siguro after my debut," sagot niya.

Samantala, ipinagmalaki ng dalawa sa PEP ang bagong fantaserye ng ABS-CBN 2 na Rounin kung saan magkasama sila. Ayon kay Rayver, halos one-and-a-half years nila itong ginawa dahil sa tindi ng special effects na talagang binusisi ng mga taong involved sa show para lalong mapaganda. Sa nasabing show ay magkaka-inlaban ang dalawa kaya nasabi ni Shaina na marami silang yakapan at kissing scenes sa nasabing fantaserye.

"Sa dami ng kissing scenes namin at yakapan sa mga eksena, feeling ko tuloy nag-take advantage si Rayver!" tawa ni Shaina.

Pero nang itanong ng PEP kay Shaina ang tungkol sa lovelife ng Ate Vina (Morales) niya ay bahagyang sumeryoso ang young actress.

"Nasa US po siya ngayon for a show. Opo, ang alam ko break na sila nung boyfriend niya," pagkumpirma ni Shaina.

Of course, ang boyfriend ni Vina na tinutukoy ni Shaina ay ang businessman na si Cedric Lee na hiwalay sa asawa. Balita ngang nagkalabuan sila ni Vina dahil sinusulsulan ng mga kaibigan si Cedric na balikan ang dating asawa.

"Opo, malungkot ang Ate ko sa nangyari sa kanila nung boyfriend niya. Nakita ko kung paano siya nasaktan nung mag-break sila. Alam ko rin na iniyakan niya yung nangyari, kahit hindi ko nakikita, nararamdaman ko," matamlay na pagwawakas ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN