Kirby de Jesus denies third party as reason of cool-off with SexBomb Johlan


"Wala pong third party talaga. Kumbaga, na-misinterpret niya lang po.Nagselos si Johlan kasi mayroong isang tao na nagsabi sa kanya namayroon daw akong ibang babae. Pero inuulit ko po, na-misinterpret lang‘yon, parang na-exaggerate ang kuwento kay Johlan," says Kirby de Jesus about his cool-off with SexBomb member Johlan Veluz.


Nilinaw ng StarStruck 2 Avenger na si Kirby de Jesus na hindi totoong may third party sa relasyon nila ng SexBomb member na si Johlan Veluz at ito ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Ayon sa young actor, nagselos si Johlan dahil may nagbalita sa kanya na mayroon siyang ibang girlfriend at ito ang naging ugat ng kanilang pagku-cool-off.

"Hindi po, wala pong third party talaga. Kumbaga, na-misinterpret niya lang po. Nagselos si Johlan kasi mayroong isang tao na nagsabi sa kanya na mayroon daw akong ibang babae. Pero inuulit ko po, na-misinterpret lang ‘yon, parang na-exaggerate ang kuwento kay Johlan," pahayag ni Kirby sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Wednesday sa taping ng Magpakailanamn sa Sta. Mesa, Manila, para sa episode na "The Franz Tolentino Story" na pinagbibidahan ni Lorna tolentino at mapapanood ngayong Thursday sa GMA-7.

Ayon kay Kirby, non-showbiz ang babaeng pinagselosan ni Johlan. Pinag-usapan naman daw nila ito at nagpasya silang maghiwalay muna ng landas. Sa ngayon, almost one month nang hiwalay ang dalawang bagets.

"Nag-usap kami, then nag-decide muna kami na cool-off muna. Parang ganoon, e. Kumbaga, kailangan muna siguro ng space ng isa't isa para makapag-isip," sabi pa ni Kirby.

Pero inamin ng binata na mahal na mahal niya ang kasintahang dancer.

"Nagkalapit kami ni Johlan dahil kay Mark Herras. Kasi before, kaibigan ko si Mark, e. Hindi ba ka-close niya sina Aifa [SexBomb member]? So, naging ka-close ko rin sila. Doon kami nag-meet ni Johlan, ‘tapos ‘yon na," kuwento ni Kirby.

"Almost two years na ang relasyon namin, bale sa June ang anniversary namin e. Mahal na mahal ko po si Johlan, sapat para ipaglaban ko rin ang aming relasyon. Si Johlan kasi as a girlfriend, para sa akin ay napakabait niya, sobrang sweet, sobrang okay siya.

"Opo naman, na-miss ko siya. Kung may karelasyon ka naman, kung hindi kayo magkita ng two weeks o three weeks, malaking bagay na 'yon, e. Nang nagkita nga po kami sa backstage ng SOP, nakapag-usap naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, "Nag-uusap naman po kami, steady lang ang communication namin. Yung sa SOP, nagkausap lang kami dahil magka-showdown kami, e. Alam kong magkikita kami dahil the day before noon, nagte-text kami. So, kumustahan kami."

Ipinagtapat din ng binata na ang isa sa dahilan kung bakit inilihim nila ang kanilang relasyon sa loob ng halos one year and nine months ay dahil sa pagtutol ng kanilang mga magulang.

"Kasi alam naman niya [Johlan] na against yung mommy ko sa kanya, tapos yung mommy niya rin, medyo hindi kami okay. Pero ngayon naman po, okay naman kami—both parties. Kasi nakausap ko na ang mommy niya at sa mommy ko naman, okay naman din po siguro.

"Hindi ko po alam kung bakit hindi sila boto sa relasyon namin, basta ayaw muna nilang makipagrelasyon kami. Hindi naman po siguro dahil sa makakasira ito sa aming trabaho kaya tutol ang parents namin. Para sa akin kasi, alam ko namang hindi ito makaka-apekto sa career namin at wala silang dapat ipag-alala."

Pero mas positive si Kirby sa patutunguhan ng kanilang relasyon ng alaga ni Joy Cancio kahit hiwalay sila sa kasalukuyan.

"Siguro po, as of now, mga 70-30 na, yung 70 percent ang possibility na magkakabalikan kami. Tingnan na lang po natin kung ano'ng mangyayari," pagwawakas na ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN