Ethel Booba to marry Alex Crisano in the US?


Reports say that controversial couple Ethel Boob and Alex Crisano are planning to get married in the United States but are facing problems. Alex's first marriage is allegedly not yet annulled and that the former Ginebra player is blacklisted in the US.



May plano na palang magpakasal sa US ang magkasintahang sina Ethel Booba at Alex Crisano. Pero ayon sa isang source, last minute na lang nalaman nina Ethel at Alex na blacklisted pala ang dating Ginebra player sa US.



Kuwento ng aming source ay desidido na raw si Ethel na maging misis ni Alex. Inaasikaso na nga raw nila ang mga papeles para rito. Pero may nagsabi na raw sa comedienne na magkakaroon sila ng problema dahil hindi pa diumano annulled ang kasal ni Alex sa unang asawa nito.



Dagdag pa ng aming source, hindi raw mag-prosper ang isinampang annulment case ni Alex dahil hindi raw diumano nakikipag-cooperate ang estranged wife ng basketbolista. Ang huling balita raw na nakuha ni Alex ay hindi raw nito alam kung saan maku-contact o mapupuntahan ang dating asawa.



Ito ang dahilan kaya naisipan na ng dalawa na sa States na lang magpakasal dahil dito naman daw sa Pilipinas ikinasal si Alex at ang unang misis nito. Pero may nakapagsabi rin daw kay Ethel na hindi raw puwedeng makalabas ng Pilipinas si Alex dahil blacklisted diumano ito sa Amerika.



Nang ipa-check daw ni Ethel sa kanyang abogado kung totoong ‘di makakaalis ng Pilipinas si Alex, nalaman ng abogado na may mga kaso pa diumano si Alex na hindi pa nalulutas kaya pina-blacklist siya sa US.



Kaya ngayon ay naunsyami na naman ang plano ni Ethel na maging Mrs. Crisano. Hanggang hindi raw nalilinis ang pangalan ni Alex sa mga kaso nito, hanggang pangarap na lang daw si Ethel sa pagiging misis ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN