Nadine Samonte's house in Sta. Rosa robbed!


Nadine Samonte failed to show up at the StarStruck grand reunion last night, March 25 due to a misfortune—morning of the same day, her house in Sta. Rosa, Laguna was reportedly robbed.


Kapansin-pansin ang absence ng young actress na si Nadine Samonte sa Final Judgment ng StarStruck kagabi, March 25, sa Marikina Sports Park.

With four StarStruck batches, there are now 62 Survivors—14 each for the first three batches and 20 sa last batch. Hindi na nga halos mabilang kung ilan ang total na nag-perform sa opening ng StarStruck The Next Level Final Judgment Night ngunit napansin pa rin na wala doon ang StarStruck I Avenger na si Nadine.

Bagama't ibinigay raw ang Sabado at Linggo sa lahat ng StarStruck graduates para makasama sa grand reunion show kagabi, pero Sabado pa lang ay hindi na nakasipot sa blocking si Nadine dahil may sakit ito.

Ito ay ayon sa kaniyang manager na si Jeffrey Gamil.

May masamang balita pang naidagdag ang katuwang ni Jeffrey sa pagma-manage ng career ni Nadine, si Manny Ballester. Nang pinadalhan namin ng text message si Manny asking kung bakit wala si Nadine, tumawag ito para magkuwento. Napasok daw ng magnanakaw ang bagong bahay ni Nadine sa Sta. Rosa, Laguna umaga pa lang ng Linggo (March 25).

Natangayan daw si Nadine ng P40,000 cash, isang bracelet worth more than a hundred thousand pesos, at iba pang alahas at kagamitan. Nanlambot nga raw si Nadine nang nalaman niya ito at hindi na rin nakayanang mag-drive patungong Marikina for the StarStruck Final Judgment Night.

Nag-file na ng theft report ang StarStruck Avenger na bida sa toprating drama-adventure series ng GMA-7 na Super Twins.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN