Four Avengers no-show at 'StarStruck' finals


All but four StarStruck graduates performed during the Final Judgment Night of the first reality-based artista search on Philippine television.



Apat lang ang non-appearance sa grand reunion ng lahat ng StarStruck graduates during the Starstruck The Next Level Final Judgment Night last Sunday, March 25, sa Marikina Sports Park.

Kakaiba ang naging presentation of the past and present StarStruck teens during the opening of the Final Judgment Night. Last year, per batch ang labas ng performers kung kaya't mapapansin agad ang wala.

This year, grinupo ang first three batches and the 16 Avengers of this batch according to their specialty: the female singers, the male dancers, the female dancers, the sexy boys, the sexy girls, and the male rockers.

Kinabukasan na lang namin nalaman ang mga wala sa performances—sina Nadine Samonte, Anton dela Paz, and Christian Esteban of Batch 1, at si Ana David of Batch 2.

May sakit si Nadine noong Saturday pa lang kung kaya't tinanggal na lang siya at hindi nakapag-block. Sunday morning, nalaman niyang nanakawan pala ang bago niyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna, ng mga alahas at appliances kung kaya't nanlambot na raw ito at hindi na rin nakapunta sa StarStruck Final Judgment Night.

Nag-back out naman pala si Anton at the last minute. Dapat ay makakasama siya sa mga sexy boys na sina Mike Tan, Dion Ignacio, Tyron Perez, Paulo Avelino, among others.

Nasa US na si Christian pursuing his college degree. The former co-host of Love Añover sa Lovely Day is taking up his pre-law at balak maging lawyer.

Pinag-quit na ng ama sa showbiz si Ana. 'Tulad ni Christian, ipinagpapatuloy na lang niya ang kaniyang pag-aaral. Pero kung makikita raw ngayon ang second batch Avenger, ayon na rin sa mga kaibigan niya from StarStruck, Ana is taller, sexier, and more beautiful, pang-beauty queen na ang dating.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN