Keanna Reeves denies sexual encounter with Cogie Domingo


"Nang makarating nga sa akin ang balita na ‘yan, sabi ko, ‘Wow, anghaba naman ng hair ko!' Tinext ko si Cogie, ‘Ano naman ang issue na‘yan? Nag-break daw kayo ni Lovi, bakit magsyota ba kayo?'" says Keanna Reeves about the rumor that she is the cause of Cogie Domingo's break-up with rumored girlfriend Lovi Poe.



Pagkatapos mabalita ang diumano'y "milagrong" nangyari kina Cogie Domingo at Maui Taylor nang ma-confine ang young actor sa isang hospital, ngayon naman ay usap-usapan na kaya raw nauwi sa break-up—kahit hindi pa man sila umaamin na naging sila—ang relasyong Cogie at Lovi Poe ay dahil nakarating sa young actress-singer na may sexual encounter na nangyari sa rumored boyfriend niya at sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner na si Keanna Reeves.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Keanna sa debut party ni Mayo Suzuki last March 24 at hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa balita sa kanila ni Cogie.



"Nang makarating nga sa akin ang balita na ‘yan, sabi ko, ‘Wow, ang haba naman ng hair ko!' Tinext ko si Cogie, ‘Ano naman ang issue na ‘yan? Nag-break daw kayo ni Lovi, bakit magsyota ba kayo?'" panimulang kuwento ni Keanna.



"Nag-dinner kami ni Cogie kasama namin ang brother niya, pero last year pa yun, siguro November or December. Tinanong nga siya nun ni Tita Cristy [Fermin] kung mag-ano raw ba kami. Kasi siyempre, nanay-nanayan niya [Cogie] si Tita Cristy. Tinawagan din niya ako, ang sabi ko kay Tita, alam naman niya na mayroon akong boyfriend. Nawala yung issue, tapos heto na naman."

"Magkaibigan lang kami ni Cogie," giit niya. "Ang hirap kasi lahat ng lalakeng nakakasama ko, natatakot na tuloy sumama kasi baka ma-issue sila. Di ko tuloy alam kung yung iba, gusto lang ba na bumalik o gumawa ng eksena. Sabi ko nga, kasalanan ko ito. Pero ano naman ang gagawin ko, alangan namang mamili ako ng kaibigan? Sa showbiz kasi, kahit di kayo introduced personally, ‘pag nagkita kayo, parang close na kayo na nami-misinterpret naman ng iba."

Ayon pa kay Keanna, masaya siya at kuntento sa kanyang French boyfriend na si Sofian kahit pa nga long distance affair ang itinatakbo ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Marami siyang trabaho as a model. Okay naman kami. Masaya ako sa kanya, siya ang nagpapasaya sa buhay ko," sabi ni Keanna tungkol kay Sofian.



"Okay naman yung ganitong set-up kesa lagi nga kayong nagkikita tapos away kayo nang away. At least, ‘pag matagal kayong di nagkikita, miss na miss ninyo ang isa't isa. Umuuwi naman siya [Sofian] dito paminsan-minsan. Saka hangga't may load [ang cell phone], magkakausap at magkakausap kami," aniya pa.



Sa ngayon ay regular na napapanood si Keanna sa sitcom na Aalog-Alog at sa soap opera na Maging Sino Ka Man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN