Roxanne Guinoo does not want to be tagged as a sexy star


From a sweet young actress, Roxanne Guinoo is now slowly changing her image into a sexy star by posing for a liquor ad and a men's magazine. But Roxanne discloses that she does not want to be tagged as a sexy star.



"More than satisfied and happier," ito ang ilan sa mga paglalarawan ni Roxanne Guinoo sa kanyang tila newfound career as Wowowee co-host.

Simula nga nang maging regular co-host ang young actress ng daily noontime show ng ABS-CBN, mas naging positibo na ang outlook nito sa buhay. Sa araw-araw raw na nakikita at nakakasalamuha niya ang mga ordinaryong tao, lubos ang kanyang paghanga sa mga kasamahan niya sa show at kay Willie Revillame dahil hindi nga naman biro ang magpasaya ng mga taong naghahangad lamang ng kaunting ginhawa sa buhay.

Sabi ni Roxanne, "Grabe, pero may mga moments talagang nakakaiyak ang mga sitwasyon ng mga taong sumasali sa programa. Akala ko ay nakita ko na ang lahat ng klase ng kahirapan, pero hindi pa pala. I am more concerned now with helping them in my own little way."

Dahil mas positive na ang pananaw niya, she just laughs off intrigues linking her to Willie.

"Naku, ‘pag pinatulan ko pa, e, di sumaya lang ang mga nang-iintriga!" sabi ni Roxanne.

"Nang tinanggap ko po itong hosting job na ito, kasama na ‘yan sa mga kinunsider ko na iintriga sa akin. Pati nga yung sa amin nina Janelle [Jamer] at Ate Mariel [Rodriguez], inasahan ko nang gagawan nila ng ingay. For as long as nagde-deliver po ako at mas maraming napapatawa araw-araw, ayos na po sa akin yun," deklara pa ni Roxanne.

Kung meron man daw siyang nais na mas maayos ngayon ay ang pagkakaroon niya ng sexy image. Nope, she doesn't have any regrets posing for a liquor ad displaying her curves, but if she will be allowed, "sana po ay hanggang sa mga billboard na lang ang ganun. Huwag naman sanang ikabit sa akin ang image na sexy star ako," pagtatapos pa nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN