Joseph Bitangcol on Keanna Reeves: "Okay lang naman sa akin kung type niya ako."


"Minsan nagdyo-joke siya na labas kami, date daw kami, kaming dalawalang. Di ko naman alam kung seryoso siya o nagbibiro lang. Minsanmagte-text siya, ‘Kailan tayo gigimik?' Sinasabi ko sa kanya di akopuwede. Minsan kasama ko si Sandy, okay lang ba kung isama ko, ayawnaman niya," says Joseph Bitangcol about Keanna Reeves.



Sa mahigit na dalawang taong itinatakbo ng relasyon nina Joseph Bitangcol at Sandara Park, ang issue ng pagiging selosa ng Korean young actress ang noon pa man ay nababalitang dahilan ng madalas na pag-aaway ng dalawa.



May mga usap-usapan na inirereklamo na raw ni Joseph ang pagiging selosa ni Sandara dahil nasasakal na raw ang young actor sa ugaling ito ng girlfriend.

Hindi naman ito idinenay ni Joseph nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con na ibinigay ng Star Magic sa mga March birthday celebrants sa kanilang mga talents.



"I can say we're okay, we're going strong. Pero sa ngayon, medyo madalas ang away namin dahil sa selos," pag-amin ni Joseph.



"Dati ‘pag nagseselos siya, nag-e-explain ako sa kanya. Pero ngayon, nagagalit na rin ako. Si Sandy kasi mahilig siyang maglambing, gusto niya habulin ko siya, amuin, ganun siya, e," kuwento pa ng binata.

"Nagseselos siya ‘pag may nabalitaan siyang issue or ‘pag may nag-text sa akin, ini-invite ako ng barkada, ng kaibigan. Sa ngayon kasi naha-handle pa naman namin. Kumbaga, nato-tolerate pa naming ang mood swings ng bawa't isa."



May hangganan ang lahat ng bagay. Isang katotohanan na sinang-ayunan at inamin ng young actor na kung magtutuloy-tuloy ang ganitong sitwasyon nila ni Sandara ay baka mauwi sa break-up ang lahat.



"Siyempre 'pag ganun ang sitwasyon, you need a break naman," pagsang-ayon ni Joseph.

Balita na isa sa pinagseselosan ni Sandara ay ang half-Japanese, half-Filipino na si Mayo Suzuki. Katunayan nito ay pinag-awayan daw nina Joseph at Sandara ang pag-e-escort sana ng young actor kay Mayo sa nakaraang debut nito last March 24.



"Nung una talaga, ayaw niya [Sandara] kung maging escort daw ako. Pero nagpunta lang naman ako dun as guest, so okay lang. Mayo is just a friend, nagkakasama kami sa mga mall shows, pero ganun lang," sabi ni Joseph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, nagbigay rin ng kanyang reaksiyon si Joseph tungkol sa balitang siya naman daw ang gustong "tikman" at "biktimahin" ni Keanna Reeves pagkatapos mabalita na may sexual encounter daw na nangyari kay Cogie Domingo at sa sexy comedienne.



"Okay lang naman sa akin kung type niya ako," sabi ni Joseph. "Wala akong magagawa at gagawin kasi may girlfriend ako. Sa ngayon, di ko ma-imagine kasi bukod sa may girlfriend ako, ang turing ko sa kanya [Keanna] ay Ate.

"Minsan nagdyo-joke siya na labas kami, date daw kami, kaming dalawa lang. Di ko naman alam kung seryoso siya o nagbibiro lang. Minsan magte-text siya, ‘Kailan tayo gigimik?' Sinasabi ko sa kanya di ako puwede. Minsan kasama ko si Sandy, okay lang ba kung isama ko, ayaw naman niya."

Marami ang nakakapansin na mabagal ang tinatakbo ng career ni Joseph, na produkto ng artista search na Star Circle Quest. Ayon sa young actor, sa sandaling mag-lapse daw ang kontrata niya sa Star Magic ay may plano na siyang gagawin.



"After ng contract ko, maghahanap ako ng co-manager, but definitely stay pa rin ako sa Star Magic. Para lang kahit papaano may magpu-push," paliwanag niya.



Bukod sa mga TV guestings sa ABS-CBN, papasok din si Joseph sa fantasy adventure na Pedro Penduko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN