Abby Cruz: Richard Gutierrez's new leading lady


2007 Binibining Pilipinas 2nd runner-up Abby Cruz was chosen among other newcomers to play Richard Gutierrez's leading lady in Lupin.



Sina Annabelle Rama at ang senior vice-president ng GMA-7 na si Wilma Galvante ang mismong pumili kay Abby Cruz upang maging isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa bagong action-adventure series ng Kapuso Network, ang Lupin.



Naging second runner-up at nanalo ng Best in Swimsuit si Abby sa nakaraang Binibining Pilipinas beauty pageant. Nagkataon na nasa audience ang ina ni Richard na si Tita Annabelle at si Ms. Wilma nang pag-usapan nila kung sino ang babagay na newcomer na puwedeng i-partner kay Richard sa Lupin.



Naging tradition na kasi na magkaroon ng bagong leading lady si Richard sa kanyang TV shows. Gusto nina Tita Annabelle at Ms. Wilma na kasing-lakas din ng dating ng mga naging leading ladies ni Richard ang susunod na ipapareha sa kanya, gaya nina Angel Locsin (Mulawin), Isabel Oli (Sugo), at Rhian Ramos (Captain Barbell).



"May mga nagtanong nga sa akin kung bakit hindi pa raw yung winner [ng Bb. Pilipinas] ang kinuha namin. Bakit runner-up pa raw?" panimulang sabi ni Ms. Wilma.



"Sabi ko naman, we are looking for a girl who would really have that look that would be right for Richard. Tsaka gusto namin ay yung may malakas na presence on TV. Noong makita nga namin si Abby sa stage, iba ang dating niya. May iba siyang personality na puwede sa show ni Richard. Noong pinag-workshop namin siya, marunong naman siya. Made-develop pa naman ang talent niya as the show goes on," sabi pa ni Ms. Wilma.



Anyway, masaya naman ang 22-year old na si Abby (Abigail Leslie Cruz in real life) dahil sa dinami-rami nga nilang kandidata sa 2007 Bb. Pilipinas ay siya ang na-single out ng mismong ina ni Richard at ng top lady exec ng Kapuso Network.



"Parang hindi ako makapaniwala," excited na sabi ni Abby. "Noong ipatawag nila ako sa GMA-7, sinabi nga nila na they want me for the new show, Lupin. So I underwent a brief acting workshop at naging familiar na ako sa mga taong makakatrabaho ko sa show. It was an exhilarating experience for somebody like me na baguhan sa ganitong klaseng trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang formal background si Abby sa acting dahil ang forte niya raw talaga ay modeling and event hosting. Although prior to Lupin, nakagawa na rin pala ng isang TV show si Abby, ang Best Friends, a reality series kung saan nakasama niya si William Thio.



"That was the acting that I know so far. Kaso, it's a reality show kaya no script to memorize. Unlike dito sa Lupin, may mga lines kaming ime-memorize at sasabayan mo ng acting. I hope that I meet their expectations. I'm so nervous because I will be acting with experienced actors," nakangiti pa niyang pahayag.

Dito sa Lupin, gagampanan ni Abby ang role ni Angeli Villavicer, ang true love at ang babaeng pinakasalan ni Lupin (Richard). Incidentally, ang unang choice para sa nasabing role ay ang real-life girlfriend ni Richard at commercial and print ad model ding si Georgina Wilson. Pero dahil sa conflict sa schedule ay hindi tinanggap ni Georgina ang offer.



Nagsimulang mag-model si Abby at the age of 15. Marami na rin siyang nagawang TV commercials at print ads.



Ang ilan sa paboritong local models ni Abby ay sina Cristina Garcia, Tutay Maristela, at Verns Buckley. Sa mga international models naman ay gusto niya raw sina Tyra Banks, Gisele Bundchen, at Andrianna Lima.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN