Carlo Aquino stops courting Maja Salvador


Young actor Carlo Aquino had to stop wooing Maja Salvador after he was advised by Maja's camp not to meddle with her blooming career. Maja is about to be launched in Regal Entertainment's My Kuya's Wedding, with a different leading man.



Pinatigil na si Carlo Aquino sa panliligaw niya kay Maja Salvador.

From Star Magic, nasa Viva Artist Agency (VAA) na si Carlo and from ABS-CBN ay lumipat na rin siya sa rival network nitong GMA-7. A long time reel and real love team of Angelica Panganiban, Carlo and Angelica had a very controversial split-up nang nadamay ang dating best friend ni Angelica na si Camille Prats in a love triangle.

Since then, Carlo and Angelica have split ways and even channels after he finished his last soap for ABS-CBN, ang Bituing Walang Ningning. Joining GMA-7 with a TAPE Inc. soap opera first, Makita Ka Lang Muli, he replaces JC de Vera in the first sinenovelaof GMA-7, ang serialization ng Vilma Santos movie from Viva Films na Sinasamba Kita. Makakasama niya rito sina Sheryl Cruz, Wendell Ramos, and Valerie Concepcion from the direction of Joel Lamangan.

Marami ring napabalitang niligawan ni Carlo at ang dalawang huli, magkasabay pa nga, sina Maja at Mayo Suzuki.

Also a singer, Mayo's management contracted Carlo to be part of her mall tour for her debut album. Nang mag-birthday si Mayo, niregaluhan siya ni Carlo ng isang dosenang long stemmed roses. Mayo was so ecstatic she asked Carlo to be her official partner on the night of her debut last March 24.

At this point, balitang nanliligaw na si Carlo kay Maja.

Natapos ang debut ni Mayo, she and Carlo remained friends and nothing more. Sina Carlo and Maja stopped courting na rin.

Sabi sa amin ni Carlo, sinabihan daw siya ng mga taong malapit kay Maja na sana ay tigilan na ang panliligaw niya sa young actress. About to be launched si Maja in her first movie, My Kuya's Wedding, from Regal Entertainment and she has to focus on her career first.

Naiintindihan ito ni Carlo kahit masakit sa kaniya. Once daw, kailangan din nila munang tumigil ni Angelica for the sake of their respective careers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maja is now being paired with Jason Abalos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN