Allan K. being linked to Japanese actor Tomoyuki Tai


Japanese actor-model Tomoyuki Tai denies rumors that he is the boyfriend of stand-up comedian Allan K. "We do not have a relationship. We're just good friends and I see nothing wrong with that," says Tomoyuki.



Biglang nagkaroon ng issue sa pagitan ng stand-up comedian na si Allan K at sa Japanese model-actor na si Tomoyuki Tai. Ayon sa balita, si Tomoyuki na raw ang bagong boyfriend ni Allan at pinagkakagastusan nang husto ng co-host ng Eat Bulaga!.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Tai na si Geleen Eugenio. Hindi raw niya alam na may issue na tungkol sa kanyang talent at kay Allan K.



"Hindi ko alam na nali-link na sila," nagtatakang sabi ni Geleen. "Ang alam ko, magkaibigan lang sila. Ang unang naging friend yata ni Tai ay si Ya Chang, who is also a Japanese like Tai. Ipinakilala siya sa manager nito na si Lito Alejandria at siyempre, kay Allan K.



Dagdag pa ni Geleen, "Nakatuwaan yata ni Allan si Tai nang minsang kumanta siya sa Zirkoh. E, nababaitan naman si Tai kay Allan kaya naging magkaibigan sila. Wala naman talagang malisya doon," sabi pa ni Geleen.



Ayon naman sa manager ni Allan na si Jun Nardo, matuwain lang daw talaga si Allan sa mga Hapon. Ilang years din kasing nag-perform si Allan sa Japan at marami siyang naging kaibigang Hapon.



"Nababaitan kasi si Allan kay Tai kaya noong malaman niyang magbe-birthday si Tai, inalok ni Allan ang bahay niya para dun mag-celebrate ng birthday niya si Tai. Hindi lang naman kay Tai ipinagamit ni Allan ang bahay niya. Marami na ang nag-celebrate doon ng birthday nila kaya walang malisya ang gesture na ‘yon ni Allan kay Tai. Kumbaga, gift niya 'yon kay Tai," paliwanag ni Jun.



Nang makausap naman ng PEP si Tai, natawa ang Japanese model-actor sa balitang may relasyon na raw sila ni Allan K.

"Allan is just a friend. He's very nice to everyone. We do not have a relationship. We're just good friends and I see nothing wrong with that," pahayag ni Tai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isang sports enthusiast, commercial model, and TV and theater actor si Tomoyuki Tai sa Japan. Nagustuhan niyang mag-stay sa Pilipinas dahil sa magagandang beaches at warm climate dito.

Dahil sa kagustuhan niyang pasukin ang pag-aartista rito sa Pilipinas, nag-aral siyang magsalita ng Tagalog. Napanood si Tai sa season 13 ng Daisy Siete: Moshi-Moshi Chigiyaki. Nakalabas na rin siya sa Takeshi's Castle at John En Shirley.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN