Nancy Castiglione: "I'm not a playgirl!"


"Yung playgirl, I guess yung nagsasabay-sabay ng boyfriend, and I don'tdo that. Siguro nagkakataon lang talaga na hindi pa ako sinusuwerte infinding the right guy," defends Nancy Castiglione.


Nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa naging sagot ni Nancy Castiglione nang kamustahin namin ang relationhip niya with boyfriend Brad Turvey sa taping ng daily talk show na Showbiz Ka! ni Pat-P Daza sa RPN-9.


Though sinabi ni Nancy na, "okay lang," halata sa pagsasalita niya na hindi ganoon ka-convincing ang pagkaka-deliver niya. Mismong kay Nancy rin nalaman ng PEP na tumatagal na ng 11 months ang relationship nila ng Australian boyfriend.



Again, when asked na malapit na pala silang mag-celebrate ng kanilang first year anniversary, ang mabilis na naging sagot nito ay, "kung aabutin," at saka ito tumawa.



Siyempre pa, nagulat ang PEP sa sinabing yun ni Nancy at tuloy nag-usisa kung bakit naman niya nasabing "kung aabutin?" May problema ba sila ni Brad sa kanilang relationship ngayon?



"Well, not naman problema talaga," paglilinaw niya. "Actually, it's okay naman talaga. It's just that there are things na we are not in common talaga. Ako kasi, I'm half-Filipino and half-Italian, but basically, I'm really Pinoy.



"Brad naman, he's pure Australian, so parang hindi kami pareho in some aspect in terms of treating the relationship. Ako kasi, when I'm in a relationship, I'm really sweet, alam n'yo naman yun, di ba? Si Brad, it's not that hindi siya sweet, pero may time na hindi talaga and may time na oo. So we're trying to work it out.



"So I told him na sana he's more sweeter at malambing. In fairness to him, he's trying naman kaso he also wants me kasi na matutong mas maging independent and more mature. That's his reason why he's not treating me yung parang baby. E, siyempre, as a girl, di ba, I want din yung kapag minsan, parang baby ka with him?" paliwanag ni Nancy.



Ganunpaman, she's still hoping naman daw na mag-last pa rin ang relationship nila, at siyempre, makapag-celebrate ng kanilang first year anniversary. Lalo pa nga't, ani Nancy, wala naman siyang maipipintas kung kabaitan naman ng boyfriend ang pag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bagama't halos hindi siya nababakante sa pagkakaroon ng boyfriend, hindi naman daw matatanggap ni Nancy ang impression ng iba sa kanya na playgirl siya.



"Of course, I'm not a playgirl! Mariin niyang sabi. "Nagkakataon lang siguro na after another yung relationship ko. But all my relationship, it lasted din ng years. With me and Paolo [Contis], we lasted for two years, also with Luis Manzano, mas matagal. And then, now naman with Brad, we're on our one year.



"And yung playgirl, I guess yung nagsasabay-sabay ng boyfriend, and I don't do that. Siguro nagkakataon lang talaga na hindi pa ako sinusuwerte in finding the right guy," tahasan nga niyang pahayag.



Samantala, wala naman daw isyu kay Nancy kung before her, si Pops Fernandez ang balitang nakarelasyon ni Brad. In fact, magkasama pa raw sila ni Pops under Arnold Vegafria's management.



"Actually, Pops and I never had the chance to meet since Brad and I get along. But even so, walang problema. Bago naman kami nagkaroon ng relationship ni Brad, we're friends and it's part of his past and I respect whatever it is," nasambit na lang ni Nancy bilang pagtatapos.

Mapapanood si Nancy sa digital film na Xerox Copy with Jao Mapa as leading man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN