PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beth Tamayo on ex-boyfriend Nino Muhlach: "Ipagdasal na lang natin siya."

Beth still unlucky with her wish to have a baby.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 4, 2007
"Ako mismo nagulat when I heard the news na nahuli siya because of drugs. Siguro ipagdasal na lang natin si Onin na sana ay malagpasan niya ang pagsubok na ito sa buhay niya," says Beth Tamayo about ex-boyfriend Niño Muhlach.


Hangga't maaari ayaw nang mag-comment pa ng aktres na si Beth Tamayo tungkol sa pagkakahuli ng kanyang ex-boyfriend na si Niño Muhlach dahil sa drugs.



Ayon kay Beth, matagal na raw niyang hindi nakikita at nakakausap ni Niño kaya wala siyang puwedeng masabi tungkol sa kinasangkutan nito.



"Natatawa ako kasi bakit ako ang hinihingan ng comment? E, everyone knows naman na wala na akong kinalaman kay Onin. Ako mismo nagulat when I heard the news na nahuli siya because of drugs. Siguro ipagdasal na lang natin si Onin na sana ay malagpasan niya ang pagsubok na ito sa buhay niya," sabi ni Beth.


Three years nang kasal si Beth sa kanyang mister na si Johnny Wong, pero hanggang ngayon ay wala pa silang anak. Sabi ni Beth ay ginagawa naman daw nila ang lahat para mabuntis siya, pero mukhang hindi pa raw sila handa para magkaroon ng sariling baby.



"Kaya nga ini-enjoy kong makasama ang dalawang anak ni Johnny [sa first wife niya]. Sila ang nagpapasigla ng araw ko every day. Kaya malulungkot ako kapag bumalik na sila ulit sa States for school," kuwento ni Beth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Tungkol naman sa pagbubuntis, matagal na naming gustong magkaroon ng baby. It's been two years na hindi ako nagpi-pills, pero wala pa rin. Siguro nga hindi pa namin time. God knows we tried, pero kung hindi pa meant na magka-baby kami, wala naman kaming magagawa."



Aniya pa, "Right now, we are just enjoying each other's company. Magkasama kami parati ni Johnny. We make good use of our time together. May business din naman kaming pinapatakbo dito kaya lagi kaming magkasama. Tsaka ayaw na namin yung masyadong nagta-try. Kung darating ang baby, darating siya sa tamang panahon."



Muling nagbabalik si Beth sa television via GMA-7's Fantastic Man, kung saan gaganap siya bilang ina ni Mark Herras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako mismo nagulat when I heard the news na nahuli siya because of drugs. Siguro ipagdasal na lang natin si Onin na sana ay malagpasan niya ang pagsubok na ito sa buhay niya," says Beth Tamayo about ex-boyfriend Niño Muhlach.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results