Usapang puso lang daw ang problema sa young actor na si Angelo Ilagan at ng Baywalk Bodies member na si Michaela Espinosa.
Sa balitang ninakawan daw ni Angelo si Michaela ng mga iba't ibang bagay, including cell phone, isang very close sa binata ang umalma sa balitang nagtatago raw ang young actor at nagkanakawan nga.
Ayon sa aming source, mag-on daw talaga sina Angelo at Michaela at lovers' quarrel lang ang nangyari na pinapalaki ng kampo ni Michaela, specifically her manager Lito de Guzman.
No comment ang aming source nang tinanong namin kung gaano ka-deep ang relasyon ng dalawa na kung live-in na ba sila. Balita nga kasing kung na kay Angelo ang cell phone ni Michaela, na kay Michaela naman daw ang cell phone ni Angelo. Nagtitinginan daw kasi sila kung sino-sino ang mga tumatawag sa mga syota nila, something na ginagawa ngayon ng mga kabataan.
Pinayuhan si Angelo na bumalik na lang sa bahay ni Michaela para isoli ang mga gamit ng girlfriend and in turn kunin din ang mga gamit niya para hindi na sila magamit sa isang non-issue.
Hindi rin daw nagtatago si Angelo. Katunayan, kami mismo ang nakakita sa kaniya noong umaga ng Huwebes Santo sa may Starbucks sa Tomas Morato.
Angelo is a discovery of Butch Rivero na naging talent ni Maryo J. de los Reyes at nasa pangangalaga ngayon ni Manny Ballester. Nakilala si Angelo sa ABS-CBN afternoon soap na Mga Angel Na Walang Langit. Kamag-anak siya ng yumaong aktor na si Jay Ilagan.
Si Michaela naman ay ang Baywalk Body na alaga ni Lito de Guzman, lumipat sa original owner of the name Marinette Gamboa at nagdemanda mismo kay Lito noon at nagpalit ng pangalang Michaela Monteverde. Recently, bumalik muli si Michaela kay Lito at ginamit ang original screen name.
Parehong 17 years old sina Angelo at Michaela.