PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stef Prescott has easily recovered from losing on "StarStruck"

Two new shows await Stef Prescott on GMA-7.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 8, 2007
"It's better na mag-solo kasi mas marami akong magagawa. Hindi ako mali-limit sa iisang role lang because kailangang bumagay sa kung sinong ipapareha sa akin. I can work naman with anybody. Mas maganda yatang ganun kesa ma-identify sa iisang partner, di ba?" says Stef Prescott.

Kahit na hindi nakasama sa StarStruck Final 6 si Stef Prescott, may dalawang TV shows na kaagad ito na sasamahan sa GMA-7—isang afternoon show at isang primetime show.

Ayon sa manager ni Stef na si Jeffrey Gamil (manager din ni Nadine Samonte), mabilis naman daw na naka-recover si Stef sa pagkakatanggal niya sa StarStruck. Umasa raw kasi talaga si Stef na makakakuha ng isang title since isa nga siya sa pinakamalakas sa grupo.

Pero kung yun daw ang fate ni Stef, baka mas may magandang oportunidad para sa kanya. Tulad nga ngayon, dala-dalawa ang shows na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.

Happy naman daw si Stef sa mga nanalo na sina Jewel Mische, Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Mart Escudero. Sana raw ay lalo pa nilang pagbutihan ang kanilang trabaho para mapatunayan nila na deserving sila sa mga titulong napanalunan nila.

Nang tanungin si Stef kung gusto pa ba niyang magkaroon ng ka-loveteam, sinabi nito na hindi na raw kailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's better na mag-solo kasi mas marami akong magagawa," aniya. "Hindi ako mali-limit sa iisang role lang because kailangang bumagay sa kung sinong ipapareha sa akin. I can work naman with anybody. Mas maganda yatang ganun kesa ma-identify sa iisang partner, di ba?"

Okay lang ba sa kanya na ma-partner siya sa Ultimate Hunk na si Aljur, knowing na hindi siya ang pinili nito na maka-loveteam noon kundi si Kris?

"Like what I said, open ako to anybody who wants to work with me," diin ni Stef. "Wala akong karapatan na mamili. Tsaka si Aljur, best friend ko ‘yan, e. Okay lang na di ako ang pinili niya. Trabaho lang naman, e.

"Pero ayoko rin namang ma-indentify kay Aljur lang. Gusto ko ring maka-partner sina Paulo [Avelino], Prince [Stefan], at kung sinu-sino pa. The more the merrier, di ba?" nakangiting sabi ni Stef bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's better na mag-solo kasi mas marami akong magagawa. Hindi ako mali-limit sa iisang role lang because kailangang bumagay sa kung sinong ipapareha sa akin. I can work naman with anybody. Mas maganda yatang ganun kesa ma-identify sa iisang partner, di ba?" says Stef Prescott.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results