PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili will now be playing hard to get

Katrina's lump on her neck does not need an operation.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 8, 2007
"Bigyan ng flowers, chocolates, kung anu-ano. Paghirapan nila. Ayoko na nung titigan lang, e, akala mo nakuha ka na," warns Katrina Halili to her future suitors.

Sa pamamagitan ng text message ay kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina Halili nung Biyernes Santo habang nasa Boracay siya. May lymph node kasing tumubo sa lalamunan ni Katrina na una ay ikinatakot niya dahil baka cancerous ito at kailangang tanggalin sa pamamagitan ng operasyon.

Pero ayon kay Katrina, nagpa-check-up na na siya at ibinalita niyang maganda ang resulta ng check-up niya. Pahinga, vitamins, at oral medicines lang daw ang kailangan para tuluyan siyang gumaling.

For eleven months now ay walang lovelife, walang boyfriend, at ni walang manliligaw si Katrina. Ayon sa sexy young actress, hindi siya talaga lapitin ng mga lalaki kahit noong hindi pa man siya artista.

Hindi nga raw niya malaman kung bakit wala siyang manliligaw ngayon. Hindi naman daw siya suplada sa mga lalaki.

"Korek! Ano ba? Hindi ko alam sa kanila?" natatawa niyang sabi.

Ang gusto ni Katrina ngayon ay paghirapan siyang ligawan ng mga lalake. Noon kasi, kapag feel din niya ang isang lalaki, hindi siya masyadong nagpapakipot. At kahit hindi niya sinasadya, naipapakita rin ni Katrina sa isang lalake na interesado rin siya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi na raw ganun ngayon.

"Siga na ako ngayon, hindi na ako malambot. Kailangang ligawan ako, kailangang paghirapan ako. Bigyan ng flowers, chocolates, kung anu-ano. Paghirapan nila. Ayoko na nung titigan lang, e, akala mo nakuha ka na," sabi pa ni Katrina.

Kasama si Katrina sa bagong action-adventure series ng GMA-7 na Lupin, starring Richard Gutierrez. Ginagampanan niya rito ang role ng isa sa sidekicks ni Lupin, si Ashley, isang tigasing babae na ayaw sa lovelife.

Pero sa tunay na buhay, sabi ni Katrina, duwag daw siya at malambot ang puso. Na madalas, lalo na in the past, siya ang laging naaapi at umiiyak. Yun daw ang dahilan kung bakit siya iyakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bigyan ng flowers, chocolates, kung anu-ano. Paghirapan nila. Ayoko na nung titigan lang, e, akala mo nakuha ka na," warns Katrina Halili to her future suitors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results