PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alynna Asistio shares her near-death experience during a campaign

The daughter of Nadia Montenegro co-stars with Joey Marquez and Raymart Santiago in Who's Your Daddy Now?.
by Kate Borbon
Published Apr 12, 2007
Newcomer Alynna Asistio narrates her near-death experience when she joined her mother's campaign sortie in Caloocan City. Alynna is the daughter of former actress Nadia Montenegro, who is now running for congressman, and former Caloocan City Mayor Boy Asistio.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang newcomer na si Alynna Asistio sa press con ng Who's Your Daddy Now?, ang bagong sitcom ng GMA-7 na magpa-pilot sa Monday, April 16. Gagampanan niya ang role ni Andrea, ang bagets na naghahanap ng kanyang ama sa riot sitcom na ito na tinatampukan dina nina Joey Marquez, Raymart Santiago, Jean Garcia, Paolo Contis, at Ms. Celia Rodriguez.

May dugong artista si Alynna dahil ang kanyang ina ay ang dating artista na si Nadia Montenegro, na ngayon ay sumasabak na rin sa pulitika.



Unang napanood si Alynna sa Candies ng QTV 11 at nang mag-fold-up ang show, akala ng dalaga ay goodbye TV na rin siya. Nagulat na lang daw siya nang matanggap ang offer last month na mapasama sa nabanggit na sitcom. Dahil bakasyon, agad niyang tinanggap ang offer kahit noong una'y ayaw ng ama niyang si former Caloocan City Mayor Boy Asistio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Ayon kay Alynna, ayaw raw niya na pareho nang nasa pulitika ang kanyang mga magulang. Si Nadia ay tumatakbong congressman samantalang si Boy naman ay tatakbo ulit na mayor. Pero ayon kay Alynna, nakapag-adjust na siya na parehong busy sa pangangampanya ang kanyang mga magulang.



Ikinuwento rin ni Alynna na last Sunday, April 8, ay sumama siya at ang kanyang isang kapatid sa motorcade ng kanyang ina at muntik na silang tamaan ng bala. Binaril daw ang nagga-guide sa van na sinasakyan nila na nakasakay sa motorcycle at pasalamat sila na sumbrero lang nito ang tinamaan.



Narinig nila ang putok at sabay-sabay silang nag-duck and cover dahil any moment ay baka magpaputok uli ang namaril. Nag-panic si Nadia at pinababa sila sa van at pinalipat sa kotse at hindi na pinababa hanggang makauwi.



Dahil sa nangyari, ayaw nang sumama ni Alynna sa pangangampanya ng mga magulang. Ayaw na rin ni Nadia na karayin pa sila't baka kung ano pa ang mangyari sa mga anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Nadia Montenegro
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newcomer Alynna Asistio narrates her near-death experience when she joined her mother's campaign sortie in Caloocan City. Alynna is the daughter of former actress Nadia Montenegro, who is now running for congressman, and former Caloocan City Mayor Boy Asistio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results