Kasama ang sexy actor na si Polo Ravales sa first batch of GMA-7 stars for the station's new ID shoot. Lumapit agad siya sa amin para lambingin kami at pakinggan daw ang side niya sa naglalabasang issue na pagwawala, paglalasing, at pambabae raw niya sa Boracay during the Holy Week.
"Uminom ako, oo. Natural lang naman yun dahil nagpunta nga ako para mag-enjoy. Pero para magwala, bakit naman?" unang statement ni Polo.
"May mga nakasayaw din akong babae, totoo yun. But only because there's dancing. Lumapit sila sa akin, so nakakahiya naman kung tatanggi ako. Kaysa naman lalaki ang makasayaw ko, di mas pangit!" paliwanag pa ni Polo.
May idinagdag na balita sa amin si Polo, about Viva Hot Babe Zarah Lopez na gumagawa ng issue about the two of them.
"Nalaman ko na nasa Boracay din pala siya. So ang ginawa ko, hinanap ko talaga siya," sabi ni Polo.
"Wala akong gustong gawin sa kaniya, hindi rin ako makikipag-usap. Ang gusto ko lang kasi, para malaman ko kung ano naman ang gagawin niya sa akin. Ang tapang-tapang niya kasi sa mga interviews niya, e,' sabi pa ni Polo.
Never daw nagkita ang dalawa sa Boracay to think Polo has been everywhere.
Kasama si Polo sa bagong action-adventure series ng GMA-7 na Lupin.