PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Best Actor winner Alchris Galura almost quit acting

Alchris has already won two Best Actor awards.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 16, 2007
Alchris Galura has established himself as one of the most promising young actors in the country by giving out impressive performances in digital films like Mga Pusang Gala and Batad sa Paang Palay.


Para sa isang baguhang young actor na si Alchris Galura, malaking karangalan ang mapagwagian niya ang dalawang best actor awards para sa pagganap niya sa digital film na Batad Sa Paang Palay.



Kuwento ni Alchris ay hindi raw biro ang shooting nila ng naturang pelikula dahil inabot daw sila ng more than 18 hours na biyahe papunta sa Batad Rice Terraces.



"Hindi pa nga po kasali ang paglalakad namin no'n papunta sa location. Yung sinabi ko pong 18 hours, papunta pa lang po ‘yon sa hotel na tutuluyan namin. May two hours pa pong hike papunta sa location ng shoot. Kaya almost one whole day kaming bumibiyahe," salaysay ni Alchris.



Pero sulit naman daw ang naging pagod ni Alchris para sa pelikulang pinagbidahan niya dahil nabigyan siya ng recognition mula sa Cinemalaya at sa Golden Screen Awards.



"Noong ginagawa ko nga po yung Batad, iniisip ko na baka ito na ang last na digital film na gawin ko kasi pakiramdam ko ay wala namang nangyayari sa career ko. Gusto ko na lang bumalik sa pag-aaral at si Ate Glaiza [de Castro] na lang ang mag-artista sa pamilya namin," sabi ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Kaya ibinigay ko na ang lahat sa pagganap ko sa Batad. Kasi nga feeling ko, last digital film ko na yun kaya hinusayan ko na. Hindi ko alam na yung Batad pala ang magbibigay sa akin ng dalawang best actor awards. Nakakatuwang isipin na sa edad kong ito ay nabigyan na ako ng ganitong recognition."



Sa dalawang best actor trophies ni Alchris, mas gusto raw niya ang kanyang trophy mula sa Golden Screen Awards. Never daw kasi niyang naisip na puwede niyang matalo sa naturang category ang mga kalaban niyang sina Cesar Montano, Jericho Rosales, Johnny Delgado, at John Arcilla.



"Akala ko nga wala akong chance manalo dahil ang gagaling nilang lahat," sabi ni Alchris. "Feeling ko ay winner na ako kasi mapahilera ka lang sa kanila, kuntento na ako sa nomination. Tulad nga last year, na-nominate ako sa supporting category para sa Mga Pusang Gala. Masaya na akong ma-nominate talaga kasi napapansin nila ang pinaghihirapan kong trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Hindi naka-attend sa awards night ng Golden Screen Awards si Alchris dahil sinamahan niya ang kanyang Ate Glaiza na mag-shoot ng digital film na Still Life sa isang isla sa Quezon Province. Hindi raw kasama si Alchris sa naturang pelikula kundi naging bodyguard lang siya ng kaniyang kapatid.



"Gusto ko talagang um-attend ng awards night kaso walang way para makauwi ako. Sasakay ka pa ng bangka tapos may oras ang mga dumadaan na bus doon. Kapag na-miss mo ang last trip, kinabukasan na ulit ang biyahe. Kaya noong tinext sa akin na nanalo ako, tuwang-tuwa talaga ako!" masayang pahayag ni Alchris.

Ngayon ay may bagong digital film na namang natapos si Alchris titled Endo, kung saan kasama niya sina Ricky Davao at Jason Abalos. Wish ni Alchris na magkaroon siya ng isang regular TV show para makaipon siya para siya na ang gumastos sa pag-aaral niya.



Ani Alchris, "Nag-stop muna ako sa school kasi nagkasunud-sunod ang mga digital films na ginawa ko. First year college na ako sa kursong IT [Information Technology] sa University of the East. Gusto ko pong makaipon para ako na ang tutustos sa pag-aaral ko. Gusto ko rin kasing makatulong sa parents namin kaya trabaho muna."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



Pamangkin pala sina Alchris at Glaiza ng dating action star na si Dan Alvaro. Lumabas na rin si Alchris sa mga digital films na Ang Babae Sa Breakwater at Sarong Banggi. Type niyang makatrabaho ang mga crushes niyang sina Kim Chiu at Erich Gonzales.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alchris Galura has established himself as one of the most promising young actors in the country by giving out impressive performances in digital films like Mga Pusang Gala and Batad sa Paang Palay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results