PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Dizon and Victor Neri still mum about their rumored relationship

Sunshine and Victor will be reunited in GMA-7's Impostora.
by Nitz Miralles
Published Apr 16, 2007
After their successful pairing in Bakekang, rumored couple Sunshine Dizon and Victor Neri will be reunited in GMA-7's new soap opera, Impostora.


Mula nang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging item nina Sunshine Dizon at Victor Neri, wish ng mga nagkagusto sa kanilang tambalan sa Bakekang na magkasama sila sa Impostora, ang next teledrama na pagbibidahan ni Sunshine sa GMA-7.



Well, wish granted dahil sa story conference kaninang hapon, April 16, kasama na si Victor sa cast at major character din ang kanyang gagampanan. Kung tama ang source ng PEP, siya eventually ang makakapareha ni Sunshine.



Naurong naman sa April 23 ang first day taping ng Impostora dahil sa revision ng script at pagbabago ng cast, kasama ang pagkakadagdag ni Victor at ang pagpu-pull out kay Rich Asuncion.



Samantala, hindi pa rin nakukunan ng pahayag sina Sunshine at Victor para kumpirmahin ang kanilang relasyon. Iwas-pusoy pa sila sa TV interview sa paniniwalang mas magiging tahimik ang kanilang relasyon at tatakbo nang maayos kung hindi masyadong public. Tama na sa kanilang nakikita silang magkasama sa public places.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Hindi maiwasang may mang-intriga dahil baka magaya lang daw si Sunshine sa past girlfriends ni Victor na after a few months ay hinihiwalayan din. Kabilang dito sina Sharmaine Arnaiz, Angelika dela Cruz, at ang pinakahuli'y si Michelle Madrigal.



May common friends din silang nagpapaalala kay Victor na huwag niyang lolokohin at paiiyakin si Sunshine dahil sila ang makakaaway nito. Sa lahat ng paalala, ngiti lang ang sagot ng aktor.

Ang advantage ng relasyon nina Victor at Sunshine ay more mature ang kanilang relasyon than the actor's early relationship. Thirty years old na ang actor at 23 years old naman si Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After their successful pairing in Bakekang, rumored couple Sunshine Dizon and Victor Neri will be reunited in GMA-7's new soap opera, Impostora.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results