Nagdugo ang kamao ni Patrick Garcia last Monday sa taping ng Super Twins.
Tinotoo ni Patrick ang pagsapak sa pader sa isang eksena sa toprating drama-adventure ng GMA-7 kung kaya't totoo ring nakabenda ngayon ang kamay ng young actor. May breakdown scene kasi si Patrick playing Billie, ang policeman na tumutulong sa Super Twins played by Jennylyn Mercado and Nadine Samonte. Frustrated ang character niya sa kontrabida ng serye na si Eliazar played by Dennis Trillo.
Dapat, dadayain lang ang pagsapak ni Patrick sa pader. Nang nag-take na, tinotoo niya ang pagsapak kung kaya't pagkatapos ng eksena, nagdugo ang kamao niya at nabutas pa ang balat sa joints ng mga daliri niya na kinailangang gamutin at bendahan.
Tinanong si Patrick ng executive producer at associate producer of the show kung bakit niya tinotoo ang pagsapak sa pader afterwards.
Ang naging kasagutan ni Patrick: "Gusto ko kasing maramdaman ang eksena."