Prince Stefan gets first acting job after "StarStruck"


Although Prince Stefan has no regular show as yet, he is the first StarStruck 4 graduate to have an acting job, having taped an episode for Mga Kuwento ni Lola Basyang.



Sa huli, si Prince Stefan pa pala ang unang nagkaroon ng acting job among the StarStruck Batch 4 graduates.

Naglabasan na nga ang mga future projects ng huling batch ng StarStruck with Mart Escudero and Stef Prescott having two each while the others—Jewel Mische, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, Paulo Avelino, and even Jesi Corcuera and Kiko Juino—ay may one show each.

Pasok si Mart sa Impostora nina Sunshine Dizon at Iza Calzado, as well as sa The Boys Next Door kasama sina Kris, Aljur, Rich, Jesi, and Kiko. Si Stef naman, bukod sa The Boys Next Door, makakasama rin sa Sine Novela serialization of the Viva classic Dapat Ka Bang Mahalin? then starring Sharon Cuneta and Gabby Concepcion. Si Jewel naman ang bida sa fourth story arc ng Magic Kamison, kung saan gaganap siyang negra at ang magiging title will be "Black Jewel In The Palace."

Tanging si Prince nga lang ang walang upcoming project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaso, hindi pa nagsisimulang mag-taping ang The Boys Next Door, Magic Kamison, at Impostora. Whereas si Prince, nakapag-first taping na as an actor sa upcoming episode ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang.

Prince will play the leading man of Lovi Poe who plays the title character Maria Alimasag.

During the out-of-town taping, nabiro ang dalawa dahil noong nasa StarStruck pa lang si Prince, sinabi na niyang ang isa sa mga gusto niyang maka-partner ay ang crush niyang si Lovi. Tila dream come true ito for Prince.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN