PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay Manalo stops gambling and womanizing

Jay puts up buy-and-sell business.
by Kate Borbon
Published Apr 21, 2007
"Nagising na ako sa katotohanan na walang buting maibibigay ang pagsusugal," says Jay Manalo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jay Manalo. Guwapo at taglay pa rin ng award-winning actor ang kakaibang appeal na madalas na hinahabol sa kaniya ng mga kababaihan at maging ng mga bading.

Ibang-iba na itong magsalita ngayon kumpara sa kaniyang dating gigolo days. Tatlo na ang kaniyang anak sa pinakasalang asawa at pinipilit nito na ituwid ang kaniyang landas at burahin ang imahe ng pagiging babaero.

Sa anim na mga babaeng kaniyang naanakan, sampung mga anak ang ipinagmamalaki ni Jay na lumalaking close sa isa't isa.

"Iba-iba man ang mga nanay nila, I see to it na maging malapit sila sa isa't isa. Isang big celebration every year ang birthday ko dahil lahat sila at minsan kasama rin ang mga nanay nila, nagkakasama-sama," masayang kuwento ng aktor.

Bumalik sa negosyong buy-and-sell ng mga sasakyan si Jay dahil medyo matumal ang mga proyekto niya ngayon. Katatapos lamang ng Bakekang sa GMA-7 at ipinagmalaki ni Jay na ang naipon niyang pera mula sa nasabing soap ang kaniyang ipinuhunan sa negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinenay rin ni Jay na may tampo siya sa Kapuso Network dahil may balitang sa latest soap na gagawin ng kaniyang mga Bakekang co-stars ay bukod-tanging siya lang daw ang hindi makakasama.

Ikinumpisal din ng aktor sa PEP na nakabangon na siya sa kaniyang pagpunta-punta sa casino.

"Nagising na ako sa katotohanan na walang buting maibibigay ang pagsusugal. Hindi man ako nalulong ay malaki talaga ang perang nawala sa akin. I can't afford na mawala pa ang ibang naipundar ko. Malaking bagay din ang nagawa ng aking mga anak kaya, ‘ayun, totally ay itinigil ko na," ang medyo emosyonal pang sinabi ni Jay.

Kahit two years siyang naging biktima ng sugal sa casino, isinusumpa ng aktor na hindi niya kailanman pinabayaan ang kanyang trabaho, much more his family. Sa lahat nga raw ng mga lessons in life na kaniyang naranasan, the best pa rin ang pagpapahalaga sa pamilya at yun ang sinusubukan niyang gawin sa ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang itanong ng PEP sa aktor kung totally goodbye-playboy image na ba siya—lalo pa't nalaman naming na-involve pala siya romantically sa isang multi-awarded actress, na talaga namang isa sa pinakasikat sa industriya—"I'm going there," ang simpleng naisagot ni Jay.

Read Next
Read More Stories About
Jay Manalo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagising na ako sa katotohanan na walang buting maibibigay ang pagsusugal," says Jay Manalo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results