Manny Pacquiao clarifies he is not condemning the LGBT, but their sexual act

Feb 18, 2016
<p>"Actually ayaw ko po na hinusgahan ang tao, anumang status mo sa buhay. Ayaw na ayaw ko yang hinusgahan ang tao. Ang ipinapaliwanag ko lang po, sana maintindihan nila, ipinapaliwanag ko lang po na yung gagawin, yung pakikipagtalik sa lalaki sa lalaki,

Humarap sa isang panayam si Sarangani Representative Manny Pacquiao sa isang programa sa DZMM radio station kagabi, February 17, upang lalong ipaliwanag ang kanyang pananaw ukol sa same-sex marriage.

Ang programa ay ang Pasado Sais Trenta, kung saan host sina Karen Davila at Vic Lima.

Mainit na balita ngayon binitawang salita ng boksingero laban sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community sa isang panayam. Dito ay isinaad niya na ang pagpapakasal sa parehong kasarian ay “mas masahol pa sa hayop.”

Humingi na ng paumanhin si Manny ukol dito, ngunit marami pa ring mga celebrity ang patuloy na kumukondena sa kanya; kabilang na sina Aiza Seguerra, Vice Ganda, at Boy Abunda.

Maging sa ibang bansa ay patuloy na may nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya laban sa Pinoy boxer. Kabilang na rito ang blogger na si Perez Hilton, champion boxer na si Floyd Mayweather Jr., at si ex-NBA star Jason Collins.

Continue reading below ↓

MANNY APOLOGIZES TO LGBT. Sa Pasado Sais Trenta ay muling humingi ng paumanhin ang senatorial candidate. Kaugnay nito ay ipinaliwanag niyang hindi naman talaga ang LGBT ang tinawag niyang hayop, kundi ang kanilang sex act.

“Ako po’y humihingi ng paumanhin sa inyo kung nasaktan ko man kayo sa paggamit ko ng word na pagkumpara ko sa tao sa hayop.

“Pero explanation ko po kasi yun, opinion. Tinatanong ako kung ano.

“Ang inaano ko ho, yung pag-act ang ine-explain ko po dun, yung paggawa. Hindi po yung LGBT po na yung sila,” saad niya.

Hindi rin umano niya dini-discriminate ang mga miyembro ng third sex dahil may mga kamag-anak siyang bakla.

“Kumbaga, hindi po ako nagsasabi na ang mga LGBT, kino-condemn ko sila.

“Ang sinasabi ko lang po, yung gagawin na karumal-dumal in the sight of God.

“Yun pong gagawin. Hindi po sila.

“In fact, may mga pamangkin po ako, mga anak ng kapatid ko, mga bakla po.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Manny, marami na siyang natulungang mga miyembro ng LGBT. Suportado rin daw siya ng LGBT community sa Sarangani.

Aniya, “Sa totoo lang po, ang dami ko nang mga LGBT na mga scholars, more than a hundred, two hundred na mga scholars ko na mga LGBT, kaya hindi ko sinasabi na kinukundena ko.

“Yung gagawin, yung act, yun yung ayaw na ayaw ko.”

ON ANTI-DISCRIMINATION BILL AND SAME-SEX MARRIAGE. Bilang patunay umano na pantay ang tingin niya sa mga LGBT ay gagawin niyang priority ang anti-discrimination bill kung siya ay mahalal sa Senado.

Hindi na bago ang anti-discrimination bill, na magbibigay ng proteksiyon sa LGBT laban sa ilang unfair treatment na nararanasan nila, halimbawa sa trabaho o sa edukasyon.

Isa ito sa mga batas na isinusulong sa kasalukuyang Kongreso, ngunit hindi ito nasuportahan ni Manny dahil lagi siyang absent.

Pahayag ni Manny, susuportahan niya ang batas na ito dahil nakasaad sa Bibliya na masama ang diskriminasyon.

Continue reading below ↓

“Actually, ayaw ko po na hinusgahan ang tao, ano mang status mo sa buhay. Ayaw na ayaw ko yang hinusgahan ang tao.

“Ang ipinapaliwanag ko lang po, sana maintindihan nila, ipinapaliwanag ko lang po na yung gagawin, yung pakikipagtalik sa lalaki sa lalaki, sa babae sa babae.

“Yun po yung ayaw na ayaw ko.”

Baka nga raw siya pa ang magsulat nito.

“Ako po sa suporta na gusto nila, ako pa mag-file niyan na walang discrimination sa bawat isa.

“Kasi nasa Bible 'yan, there is no condemnation.

“But we have to explain to let them know the word of God, the commandments of God, that we should follow.”

Ngunit hindi siya naniniwalang dapat sakupin ng anti-discrimination bill ang karapatan ng LGBT na magsama dahil ipinagbabawal umano ito ng Bibliya.

Paliwanag niya, “Alam niyo po, if we’re talking about marriage, it’s sacred, talagang pagiging marriage, napaka-sacred po niyan and importante 'yan sa mata ng Panginoon.

Continue reading below ↓

“So, for me, you’re insulting God if you are doing that.

“Para sa akin, 'yan ang understanding, but I’m not saying na condemning them because they are LGBT or... ayoko ng ganun.

“Gusto ko pantay ang lahat.”

Ngunit nilinaw ni Karen na ang same-sex marriage na ninanais ng LGBT ay hindi para maikasal sila sa simbahan. Aniya, ito ay ang paghingi sa pamahalaan ng ilang civil rights na timatamasa ngayon ng mga kasal na babae’t lalaki.

Isa rito ay ang kilalanin ng batas na tunay na magkabiyak ang isang matagal nang nagsasamang LGBT couple upang maprotektahan ang kanilang ari-arian kapag namatay ang isa sa kanila.

Iba nang isyu ito ayon kay Manny, at kailangan niya muna itong pag-aralan.

“Yan po ay mahabang diskusyon bago natin mag-oo tayo o hindi.

“Kailangang pag-aralan 'yan dahil about na 'yan sa mga bagay sa mundo kung saan pupunta o kaninong right.

“Depende na 'yan sa batas na gagawin natin, sa batas ng Pilipinas, e, ibe-base natin 'yan.”

Continue reading below ↓

Hindi naman daw tumututol si Manny na mag-ampon ang isang gay couple.

“Ang pag-adopt po, wala namang problema 'yan, pag-adopt, pag-adopt.

“Pero yung pagiging married po ay napakaimportante po sa mata ng Panginoon.

“Dapat maging sagrado 'yan sa mata ng Panginoon,” saad niya.

SEPARATION OF CHURCH AND STATE. Dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ni Manny sa Bibliya at sa simbahan ay tinanong ni Karen kung naniniwala siya sa separation of church and state.

Ang separation of church and state ay nakalagay sa konstitusyon ng Pilipinas.

Ayon sa Article II, Section 5: “No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights.”

Samakatuwid, malaya dapat ang mga mamamayan na pumili at sumamba sa anumang relihiyon. Pangalawa, hindi dapat ibatay sa anumang relihiyon ang karapatang-pantao.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga nagsusulong ng karapatan ng mga LGBT, ang same-sex marriage ay isang civil at political right kaya’t hindi dapat pigilan ito ng relihiyon.

Ayon pa sa kanila, hindi dapat ikonsulta sa Bibliya ang paggawa ng batas dahil nga dapat ay hiwalay ang simbahan at estado.

Hindi naniniwala si Manny sa konseptong ito. Aniya, hindi dapat ihiwalay ang Diyos sa pamahalaan.

“Lagi po nating tandaan, it is impossible for a nation to become successful, or to be blessed without the guidance of the Lord. That is impossible.

“It is impossible for a nation to have peace and unity if we don’t ask God,” pahayag niya.

Pagpapatuloy niya, magiging malinis lamang ang pamahalaan kung maka-Diyos ang mga pinuno nito.

“Sa dami ng problema sa lipunan natin, sa dami ng problema sa government natin, especially yung corruption, ang tanging paraan lang para ma-resolve ang corruption na 'yan, e, ibabalik uli sa godly leaders ang ating bansa, nang sa gayon wala ang corruption.

Continue reading below ↓

“Because if you are godly leader, you have the fear of the Lord to steal the money from the government.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Actually ayaw ko po na hinusgahan ang tao, anumang status mo sa buhay. Ayaw na ayaw ko yang hinusgahan ang tao. Ang ipinapaliwanag ko lang po, sana maintindihan nila, ipinapaliwanag ko lang po na yung gagawin, yung pakikipagtalik sa lalaki sa lalaki,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results