PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang cried on his first trip to the US

Ronnie defends tour companions Yeng Constantino and Panky Trinidad against writeups saying the two snubbed their fans in the US.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 29, 2007
One of the tourist spots Ronnie Liang visited when he went to the United States was Disneyland. In this photo, Ronnie (leftmost) is joined by co-Pinoy Dream Academy scholar Yeng Constantino (center) and a young fan.


Napaiyak at niyakap ng Pinoy Dream Academy (PDA) runner-up na si Ronnie Liang ang mga pader ng Los Angeles Airport nang makarating siya roon. Kasama ng iba pang PDA scholars, naroon si Ronnie bilang panimula ng US concert tour nila pagkatapos ng Holy Week.



Dalawang linggong manghang-mangha si Ronnie sa ganda ng US, na noon ay sa panaginip lang niya napupuntahan. Kaya nga walang sawang nagpalitrato si Ronnie sa magagandang lugar na pinuntahan nila.



"First time ko kasi sa US kaya hindi ko mapigilang maiyak," medyo nahihiya pang sabi ni Ronnie. "Noon, sa pictures ko lang nakikita ang US, lalo na ang Disneyland. Ngayong narating ko na, hindi pa rin ako makapaniwala."



Kuwento pa niya, "Nakakatawa nga kasi sa mga unang pinuntahan namin, puro mga Pinoy ang nakikita namin. Napaka-generous nila sa amin. Parang hindi rin kami umalis ng Pilipinas. Pati mga pagkain namin, puro Filipino foods. Akala namin maiiba lahat kapag nandoon kami, pero parang Pilipinas pa rin ang nasa paligid mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Kaya hindi kami masyadong na-homesick kasi very warm ang pagtanggap sa amin ng mga tao roon. Lalo na noong nasa Las Vegas kami, in-acknowledge pa ni Ms. Lani Misalucha ang presence namin. Sinabi niya sa audience, na mostly mga Americans, na suportahan daw kami kasi kami raw ang new breed of singers sa Pilipinas."



Among the six PDA scholars na pumunta sa US, si Ronnie raw ang pinakamaraming naiuwing pasalubong. Panay raw kasi ang bigay sa kanya ng mga fans doon, kaya halos di niya nagastos ang allowance nila.



"Ang babait ng mga tao roon," sambit ni Ronnie. "Nagugulat na lang ako kasi may mamahaling regalo sila sa aming lahat. Nakapag-uwi nga ako ng laptop, iPod, at mga damit at sapatos. May ibinigay pa silang pasalubong para sa pamilya ko."



Samantala, si Ronnie na mismo ang nagsabi na hindi nagtaray sa mga Pinoy fans sa US sina Yeng Constantino at Panky Trinidad. Nagulat din siya sa lumabas na balita dahil parati raw silang magkakasama sa mga lakad nila roon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



"Wala namang ganong nangyari. Kung nagtaray sila, dapat alam naming lahat. Mapagsasabihan namin sila. Kasi nga kung gagawa sila ng hindi maganda, madadamay kaming lahat. Pero wala namang ganun, e. Kawawa naman sina Yeng at Panky. Wala silang kaaalam-alam na naiintriga na sila rito habang nandoon kami sa US," paliwanag niya.



Sa pag-uwi ni Ronnie ay agad siyang nag-mall tour para sa kanyang debut album, ang Ang Aking Awitin. Isa nga sa mga most-requested songs sa FM stations ang carrier single niyang "Ngiti."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One of the tourist spots Ronnie Liang visited when he went to the United States was Disneyland. In this photo, Ronnie (leftmost) is joined by co-Pinoy Dream Academy scholar Yeng Constantino (center) and a young fan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results