Archie Alemania reveals his and Mickey Ferriols' wedding plans


"Pinag-uusapan na namin yung kasal... Definitely, yung wedding, hindi this year. Sana next year na," says Archie Alemania about wedding talks with live-in partner Mickey Ferriols.



Naibalita noon na muntik nang sugurin ni Mickey Ferriols ang TV personality na si Niña Dolino sa set ng Wazzup, Wazzup. Ito ay dahil sa pagbibigay diumano ni Niña ng motibo sa live-in partner ni Mickey na si Archie Alemania.

Kung hindi nga raw naagapan ito, maaaring nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Mickey at Archie. Pero ayon kay Archie, smooth sailing na raw ang itinatakbo ng relasyon nila ni Mickey.



Sa kabila nito, pinagtatakhan ng karamihan kung bakit wala pang nababalitang kasal sa pagitan nina Archie at Mickey. Kasal na lang daw kasi ang kulang sa pagsasama ng dalawa, lalo't may anak na naman sila—si Brent, na magda-dalawang taon na.



In our interview with Archie sa showbiz talk show na Showbiz Ka! on RPN-9 last April 26, he confirmed that marriage is now part of their plan. Ayon pa sa kanya, si Mickey na raw ang magiging huling babae sa buhay niya.



"Pinag-uusapan na namin yung kasal," sabi ni Archie. "Actually, kahit naman dati pa, plano na namin yun. Kaya lang, at this point kasi, inuuna muna namin yung anak naming si Brent, kung paano namin siya mapapalaki nang maayos. Tapos, may balak din kaming bumili ng bahay. Bumili din kami ng bagong sasakyan; bumili ako, bumili siya. Definitely, yung wedding, hindi this year. Sana next year na.



"Mahal na mahal ko si Mickey, siya na ang gusto kong makasama panghabambuhay. Sa umpisang-umpisa pa lang, di siya marunong magluto, nag-aral siyang magluto. Ngayon, napakasarap na niyang magluto dahil sa akin. Gigising ako na may pagkain na ako, darating ako ng bahay na may pagkain.

"Sobra siyang maasikaso. Sa baby namin, wala akong masabi kasi hands-on siya and ayaw niyang paalaga sa yaya si Brent. Tinanong ko ang sarili ko, 'Ito bang babaeng ito ang papakawalan mo? Lahat na binibigay, lahat ng atensyon, pagmamahal.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagiging sobrang selosa raw noon ni Mickey ang madalas na nagiging cause ng tampuhan nila ni Archie. Umamin pa nga noon si Archie na pakiramdam niya ay nasasakal na siya minsan kay Mickey. Ganito pa rin ba pakiramdam ni Archie?



"We're okay now," sabi niya. "Dati, wala na talaga sa lugar yung pagseselos niya, na pati ako susuko na. Ngayon, yung selos niya, pagseselos na parang may lambing. ‘Sinong nandun, sino kasama mo?' Ganun na lang yung mga tanong niya."



Kuwento pa ng TV host-comedian, "Siguro nasa tao din naman yun, learning process siguro for Mickey. Nagsawa na rin siguro siya, and naisip niya na walang pupuntahan kung puro na lang selos. Alam niya ang sked ko. Minsan nagugulat siya kasi ang aga ko sa bahay, kasi maaga natapos yung taping."

Para sa iba ay tatak na raw talaga ng mga komedyante ang pagiging babaero at ang imaheng ito ay naikabit na rin sa isang tulad ni Archie.



"Kahit MTB [show nila dati sa ABS-CBN] days pa lang, nakikita naman ni Mickey na nasa dressing room lang ako, kahit nung di pa kami. Up to now, kahit sa ibang mga actress, sa mga hosts diyan, sasabihin nila sa iyo na di nila ako nakakausap," pagtatanggol niya sa sarili.

Open book ang pagkakaroon ng dalawang anak ni Archie sa magkaibang babae, bago pa man naging sila ni Mickey. Wala kayang problema si Archie sa pagbibigay ng sustento sa ibang mga anak niya, lalo't noon ay nababalitang may problema sila sa pera ni Mickey?



"Financially, I can say na okay naman," sagot ni Archie. "Sa awa ng Diyos, hindi naman ako nawawalan ng trabaho. I have a civil relationship sa ina ng mga anak ko. Sinasabi ko sa kanila na kung ano ang kailangan ng mga bata, sabihin nila sa akin. Ayokong lumaki sila at sabihin na pinabayaan ako ng tatay ko. Kung anuman ang kailangan nila—gatas, educational plan—ibinibigay ko sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay gabi-gabing mapapanood si Archie sa Wazzup, Wazzup sa Studio 23. Kasama rin siya sa sisimulang fantaserye ng ABS-CBN, ang Lastikman, starring Vhong Navarro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN