Katrina Halili says "the man in the photo" is not yet her boyfriend


This photo of Katrina Halili with Alex Lopez was taken in Boracay last Holy Week. Alex is the same guy rumored to be courting Katrina and who sent pancit and flowers to the set of Lupin.



Ka-text ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon ng umaga, May 3, ang young sexy actress na si Katrina Halili. Inusisa namin siya tungkol sa litratong lumabas dito sa PEP kung saan kasama niya ang isang lalake. Kuha ang nasabing larawan sa Boracay last Holy Week.

Napag-alaman ng PEP na ang lalaking kasama ni Katrina sa litrato ay si Alex Lopez, isang restaurateur, na sinasabing manliligaw ng young sexy actress. Si Alex din ang sinasabing nagpadala ng pancit at bulaklak kay Katrina sa taping ng Lupin last April 27.

Tinanong namin si Katrina thru text message kung kasabay niyang pumunta sa Boracay last Holy Week si Alex.

"Hindi naman talaga kasama. May mga friends ako na talagang kasama ko. Dun ko na lang siya nakita po," sagot ni Katrina.

Nang tanungin naman kung totoong nanliligaw sa kanya si Alex, ito ang naging sagot ni Katrina: "Parang."

Pero agad nilinaw ni Katrina na hindi niya boyfriend ang lalake. Wala pa raw siyang boyfriend ngayon at hangga't maaari raw ay ayaw muna niyang magpaligaw kahit kanino.

Aniya pa, enjoy raw siya ngayong single siya. Lalo pa nga't super-busy siya sa kanyang career.

Mahihirapan na raw siyang makakita ng boyfriend ngayon dahil halos wala na siyang ekstrang oras para makipag-date. Nauubos na raw kasi ang panahon niya sa taping ng Lupin sa GMA-7 at sa iba pa niyang showbiz commitments sa loob at labas ng Maynila.

Pero tila ang pakahulugan ng litratong ito, pati na ang pagpapadala ng pagkain at bulaklak sa sexy young actress, ay pursigido ang lalaking manligaw. Mapigilan kaya ni Katrina na mahulog ang loob kay Alex?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN