ABS-CBN management may forgive erring "PDA" scholars


"Minsan kasi, we go through a phase in life, di ba? Nung kabataan natin, meydo mapusok ka, ganun. So aalamin ko yung kuwento behind this, and then, tingnan natin," says Charo Santos-Concio about the case of four Pinoy Dream Academy scholars sanctioned for misbehaving during their US tour.



Sa presscon para sa 16th anniversary ng Maalaala Mo Kaya (MMK) kahapon, May 3, ay sinabi ni Ms. Charo Santos-Concio, Senior Vice-President for Entertainment ng ABS-CBN, na hindi pa raw nakakarating sa kanya ang isyung kinasasangkutan ng apat na Pinoy Dream Academy (PDA) scholars.

Dahil sa violations na ginawa nina Jay-R Siaboc, Irish Fullerton, Panky Trinidad, at Chad Peralta habang nasa US sila for their concert tour, tinanggal sila sa programang ASAP '07 at pinatawan ng iba pang sanctions.



"Wala pang nagre-report sa akin. Siguro sinu-solve pa nila. Mahirap, kasi kailangan pakinggan ko yung buong konteksto ng pangyayari. Mahirap magbigay ng komento ngayon dahil hindi ko pa alam," paliwanag ni Ms. Charo.



But just in case daw na malaman niya ang buong detalye ng pangyayari at humingi ng kapatawaran ang mga taong involved, dapat daw ay bukas ang puso ng bawat tao sa pagpapatawad.

"Kailangang iupo sila na parang anak na nagkamali, di ba?" sabi ni Ms. Charo. "Minsan kasi, we go through a phase in life, di ba? Nung kabataan natin, meydo mapusok ka, ganun. So aalamin ko yung kuwento behind this, and then, tingnan natin. Actually, it has to come from them [PDA scholars] also, di ba? Kung may realization ba sila."

Sinabi rin ng powerful female official sa network, "If there are certain rules naman that they violated, sometimes you also have... Loving your children naman doesn't necessarily mean that they should get away with the crime, e, di ba? Tough love is even harder to do."



Nakausap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the presscon for MMK ang heads ng Dream Big Productions na sina Direk Lauren Dyogi at Jon Ilagan. Pareho nilang sinabi na wala silang directive na suspendihin ang mga PDA scholars na nag-misbehave sa US.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN