Sequel of "Kasal Kasali Kasalo" intended for MMFF


Judy Ann Santos's and Ryan Agoncillo's big hit in last year's Metro Manila Film Festival (MMFF), Kasal Kasali Kasalo, will have a sequel. To be directed by Joey Reyes, who also directed Kasal...., the movie is also intended for this year's MMFF.



Habang ini-interview ng TV crew si Ryan Agoncillo sa launching niya bilang male image model/endorser ng Boardwalk men's apparel, kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang reliable source. Ibinalita ng PEP source na pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) na rin ang sequel ng Kasal Kasali Kasalo (KKK) nina Ryan at Judy Ann Santos.



Nakumpirma lang daw ni Ryan ang tungkol dito bago siya bumaba sa second floor ng Fiamma Restaurant sa Jupiter St., Bel-Air, Makati City, kung saan ginawa ang contract signing/press con/unveiling of his billboard/mini-fashion show/post-birthday party ng TV host-actor.



Kaya pala masayang humarap si Ryan sa entertainment press at sumagot sa mga tanong—kahit na iyong tungkol sa STD na pilit idinidikit sa kanya—dahil magagandang balita pala ang narinig niya. Matutuwa nga naman ang fans nila ni Judy Ann na naghihintay ng sequel ng hit movie nila.



Si Joey Reyes pa rin ang direktor ng sequel ng KKK para sa Star Cinema, pero may pagbabago na sa title. Hindi na KKK, kundi SSS na ang title nito: Sakal Sakali Saklolo.

Nakatakdang makipag-meeting si Ryan at ang manager niyang si Noel Ferrer sa Star Cinema, at kasama na rin siguro sina Judy Ann at manager nitong si Alfie Lorenzo, para pag-usapan ang pelikula.



Naging isyu ang unang nasulat na hindi pang-MMFF ang sequel ng KKK, at sa halip ay ipalalabas ito sa November. Maraming fans nina Judy Ann at Ryan ang hindi pabor sa November playdate dahil mas gusto nilang sa December at sa MMFF ito ipalabas.



Samantala, natanggap na rin ni Ryan ang draft ng isang movie nila ni Judy Ann sa Regal Entertainment. Either sa June or July naman nila sisimulan ang shooting ng first Regal movie nila together. Joel Lamangan directs. Romantic-drama ang genre nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN