Cristine Reyes now ready for "FHM" if her "request" is granted


Cristine says she will finally agree to pose for an FHM cover if they grant her request for an outdoor pictorial.


Kung ibibigay ng FHM ang request ni Cristine Reyes, malamang mapapayag na siya na mag-pose for the country's leading men's magazine.

Cristine turned 18 last February 5. Since then, kinukulit na raw siya ng FHM to pose for them, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin pumapayag ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

"Actually, ayaw po ng mommy ko. Ako naman fifty-fifty," paliwanag ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainmetn Portal) sa pamamagitan ng text.

Dagdag pa niya, "Kung okay sa kanila [FHM] ang request ko, go na. Pero they have to convince pa muna my Mom pa rin."

May isang kahilingan si Cristine for her pictorial. Ang gusto niya kasi ay outdoor pictorial.

"Sila [FHM] po, wala pa po silang binibigay na concept. Ako ang nag-request ng outdoor para bongga. Wala pa kasing outdoor pictorial, e," sabi ni Cristine.

Madalang mag-outdoor pictorial ang FHM Philippines dahil it involves a huge budget.

Hindi rin naman kasi nagmamadali si Cristine to pose sexy for any magazine. Although once, nag-back-to-back two-piece bathing suit pose sila ni Katrina Halili for the GMA Artist Center 2006 calendar.

"Kung ayaw nila, ayoko din," huli niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN