Franzen Fajardo claims his wife stabbed him


"Nakakahiya, masakit talaga yung nangyari sa akin, sa anak ko, sa pamilya ko. Lahat ng hirap tiniis ko, pero parang sa isang iglap lang nasira. Nasira na ang lahat ng yun," says Franzen Fajardo.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother na si Franzen Fajardo sa taping ng ABS-CBN travel show na Trip na Trip sa Batis Aramin, Lucban, Quezon.

Nagbigay ng reaksiyon si Franzen sa mga naging pahayag ni Love Joy sa The Buzz last April 29, kung saan pinabulaanan ni Love Joy ang karamihan ng mga akusasyon ni Franzen sa kanya.



"Nakakahiya, masakit talaga yung nangyari sa akin, sa anak ko, sa pamilya ko. Lahat ng hirap tiniis ko, pero parang sa isang iglap lang nasira. Nasira na ang lahat ng yun," umiiyak na sabi ni Franzen.



Matatandaang noong April 20 ay nagsampa si Franzen ng petition for legal separation laban sa asawang si Love Joy. Doon nakalahad ang pagiging "yes man" o ang pagiging sunud-sunuran diumano ni Franzen sa mga kagustuhan ni Love Joy.

Kasama rin sa petisyon ang diumano'y pagpapahiya ni Love Joy kay Franzen sa harap ng mga kasamahan niya sa trabaho at sa mga pampublikong lugar. Ibinigay na halimbawa ni Franzen ang pananampal diumano sa kanya ni Love Joy sa taping ng Trip na Trip sa Boracay.



"Yung nangyari sa Boracay, minura niya ako. Sinampal ako't minura sa harap ng maraming tao. Maraming beses na, tiniis kong lahat ‘yan. Yun ang mali ko, minahal ko [siya] nang husto. Sa sobrang pagmamahal ko, parang wala akong itinira sa sarili ko," lahad ni Franzen.



Ayon sa dokumento, hindi lang ang pananampal sa Boracay ang pananakit na ginawa ni Love Joy kay Franzen. Sa isang pagtatalo, ginamitan pa raw ni Love Joy ng patalim si Franzen.



"Buti na lang nakailag ako," sabi ni Franzen. "Sinaksak po ako, yun. Diretsahan, sinaksak ako. Pagbukas ko ng divider, nakita ko [si Love Joy] may dala nang panaksak. Pagsaksak niya, ginanun [iniharang] ko po agad yung divider. So tumama [yung panaksak] dun sa divider. Mga three to four times yun. Wala po akong pinagsabihan na ginawa sa akin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi rin makapaniwala si Franzen na anak niya ang batang dinadala sa sinapupunan ngayon ni Love Joy.



"Kunyari, ngayon kayo nag-mate. Isang linggo lumipas, sasabihin niya dalawang buwan buntis siya. Kung meron mang makakaalam, ako yun dahil ako yung asawa niya. So alam ko kung buntis siya o hindi," paliwanag ni Franzen.



Sa ngayon ay umuwi na si Franzen sa bahay ng kanyang mga magulang sa Valenzuela. Dahil sa kaguluhan, isang buwan nang hindi nakikita ni Franzen ang anak nila ni Love Joy na si Ranz.

Tini-text daw ni Franzen si Love Joy na kung maaari ay magkita sila sa isang lugar para makita man lang niya kahit sandali ang anak niya, pero tumatanggi raw si Love Joy. Pati na ang suportang gustong ibigay ni Franzen sa kanyang anak ay tinatanggihan din daw ni Love Joy.



Nahihiya naman si Franzen sa co-host at producer ng Trip Na Trip na si Kat-kat de Castro sa pagkakadamay nito sa kontrobersiya nilang mag-asawa. Mariing itinanggi ni Franzen ang tsismis na may relasyon sila ni Kat-Kat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN