Boots Anson Roa strong in the face of husband's medical condition


One of the country's most respected actresses, Boots Anson Roa, shows great strength in the midst of trials in her life.



Hindi pa nagkikita o nagkakausap nang personal sina Boots Anson Roa at Lorna Tolentino mula nang ma-diagnose na may sakit na cancer si Rudy Fernandez. Tulad ni Rudy, may cancer din ang asawa ni Boots na si Pete Roa.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Boots, ikinuwento nito na maraming sakit si Pete. Binibiro nga raw ng kanyang mga anak si Pete na mahilig ito sa package deal, dahil bukod sa stomach cancer, may diabetes at glaucoma ang kanilang ama.



Isa si Boots sa mga mababait at uliran na aktres na nakilala namin. Matindi man ang mga sakit ni Pete, hindi namin nakitaan ng panghihina ng loob ang iginagalang na aktres.



Sa panayam ng PEP kay Boots, sinabi nito na malaking tulong sa kanila ang sobrang pananalig nila sa Diyos. Sobra-sobra raw ang pasasalamat nila sa Panginoon dahil nalampasan ni Pete ang lahat ng pagsubok.



Nagpapasalamat din si Boots sa kanyang asawa dahil hindi ito mahirap alagaan. Masunurin at mabait na pasyente raw si Pete dahil sinusunod nito ang lahat ng payo ng doktor.



Kabilang si Boots sa mga binigyan ng tribute sa 50th anniversary celebration ng Tide noong nakaraang Biyernes. Kasama niyang pinarangalan sina Gloria Diaz at Caridad Sanchez.

Isinama ni Boots sa naturang okasyon ang naka-wheel chair na si Pete. Proud na proud si Pete at ang mga anak nila ni Boots dahil sa karangalan na ipinagkaloob sa beteranang aktres.

Ang anniversary party ng Tide ang unang public appearance ni Pete pagkatapos ng ilang linggong confinement sa ospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN