Jan Nieto: "I'll wait for my time to come."


"Right now, I'm busy in corporate shows, mall tours, guestings. No regrets pa naman. So far, okay naman ang lahat," says Philippine Idol runner-up Jan Nieto about his singing career.



Hanggang ngayon ay pinanghihinayangan pa rin ng ilang malalapit kay Jan Nieto ang naging decision niya na iwanan ang corporate world at pagtuunan ng pansin ang pagkanta. Customer Marketing Manager sa Unilever Philippines si Jan bago siya sumali sa Philippine Idol, where he and Gian Magdangal placed runners-up to winner Mau Marcelo.

Pero sa panayama ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jan, sinabi nitong alam niyang he took a risk nang mag-resign siya sa kanyang trabaho para pagtuunan ang kanyang totoong passion—ang pagkanta.



"It's challenging, exciting, nakakatakot," paglalarawan ni Jan sa kanyang naramdaman nang iwan niya ang corporate world. "Kasi this [music industry] is something very new to me. It's not as stable as my job before, it's really a big risk. Kaya lang, ito [singing] talaga ang passion ko, and since I got the chance, pagbubutihan ko na lang.



"I resigned in Unilever last January 2, start of the year. Right now, I'm busy in corporate shows, mall tours, guestings. No regrets pa naman. So far, okay naman ang lahat."

Nanggaling si Jan sa pamilya ng mga professionals. Paano tinanggap ng kanyang pamilya ang desisyon niyang mag-resign sa kanyang trabaho para pasukin ang mundo ng entertainment?



"Actually, surprisingly, kasi sobra silang supportive," sabi ni Jan. "My parents, they brought us up, kaming magkakapatid, going for something more practical and stable in life. Since ako yung bunso at ako lang ang lumihis sa ganung klaseng buhay, akala ko hindi sila papayag. But yun nga, they're very supportive. Pag may show ako at puwede silang manood, nanonood sila."

Marami ang nakakapansin na kahit si Mau ang nanalo sa Philippine Idol ay mas angat ngayon ang career sa kanila ni Gian. Hindi ba nakakaramdam si Jan na mukhang napag-iiwanan na siya ng kanyang kasabayan?



Ayon kay Jan, "We have the same manager din naman nila Mau, si Ms. Sandra Chavez. We're trying to work things out with ABS-CBN, so medyo nagkaroon ng kaunting dealings. So hopefully, maayos in one to two months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nauna naman sa akin si Gian na magkaroon ng regular show [SOP], so hindi siya maiko-compare sa akin. Saka kanya-kanyang panahon lang naman ‘yan, I'll wait for my time to come," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN