Gian Magdangal neither confirms nor denies sexual relationship with Sheree


Kung mayroon man, I don't wanna talk about it. Kung wala, I don't wanna talk about it too," says Gian Magdangal about Sheree's claim that she has slept with him.


Marami ang nagulat nang ipagtanggol ni Sheree ang singer na si Gian Magdangal sa isang caller nang minsang mag-guest ang sexy star sa sa radio program ni DJ Mo Twister. Kinukuwestiyon kasi ng nasabing caller ang size ng private part ni Gian, kaya ipinagtanggol siya ni Sheree. Dito na rin lumabas ang pag-amin ng Viva Hot Babe na nagkaroon sila ng sexual relationship ni Gian.

Bagama't nagpapasalamat si Gian kay Sheree sa pagtatanggol nito sa kanya, tumanggi ang singer na kumpirmahin o idenay kung may nangyari nga sa kanila ni Sheree.



"I don't want to answer that because that's too personal. Kung mayroon man, I don't wanna talk about it. Kung wala, I don't wanna talk about it too," sabi ni Gian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Matagal na kaming magkaibigan ni Sheree, hindi kami nagkakilala lang kahapon or nung isang buwan lang. Kilala ko na siya hindi pa siya artista, nag-umpisa kami sa theater.



"Sheree defended me kasi kapag may narinig kang pinagsabihan ng ganun ang kaibigan mo, hindi mo ba ipagatatanggol? Ganun lang yung nangyari dun sa program ni Mo. Ipinagtanggol niya lang ako. Actually, ako, hindi ko narinig mismo ‘yon, tsinismis lang sa akin na pinag-usapan daw ‘yong ano ko. Ako naman, natawa lang ako," paliwanag ng Philippine Idol runner-up.

Sa kabila nito, bukas si Gian sa posibilidad na maaaring mauwi sa isang totohanang relasyon ang pagiging magkaibigan nila ni Sheree.



"I think there's nothing wrong if that happens," aniya. "I'm single, she's single. If there's a possibility, why not, di ba? Maganda naman siya, mabait, at matagal ko na siyang kilala.



Dagdag pa niya, "Walang pinipili ang puso. I believe there's a right person for everybody. Anybody has the right to see anybody if they are single."

Sa mga past interviews kay Gian noong contestant pa lamang siya sa Philippine Idol, naging very honest siya sa pagsasabing mahal pa niya ang ex-girlfriend na si Aiza Marquez. Sa ngayon kaya ay na-overcome na niya ang kanyang nararamdaman para sa young actress?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"There was a time in Philippine Idol na mahal ko pa talaga siya, but that did not last until end of the show. Two months after that, noong marami kaming ginagawa, I was getting over her already. We broke up September last year. But after Philippine Idol, I was really completely over her.



"The original reason of our break-up was that Aiza told me she needed time for herself. But I was the one who opened it up to her, because napansin ko na in the middle of the relationship, nagiging cold na kami. I would admittedly say na nawalan din ako ng oras sa kanya because of Philippine Idol, because of work, because pinagsasabay ko ang Idol and corporate shows," mahabang paliwanag ni Gian.

Sa ngayon ay regular na si Gian sa musical variety show na SOP sa GMA-7. Sa itinatakbo ng career niya sa Kapuso Network ay mukhang nakatulong daw yata ng malaki ang pagiging Magdangal niya. Pinsan ni Gian ang sikat na multimedia performer na si Jolina Magdangal, na kasama rin niya sa SOP.



"Para sa akin, mas malaking tulong yung Philippine Idol because dun talaga ako nakita ng tao. Matagal na kaming magpinsan ni Jolina. Kung siya talaga ang reason, di sana dati pa ako nakapasok sa GMA-7, di ba? Having Jolina there is like a plus factor.

"After the contest, nilapitan ako ng GMA, kinausap yung manager ko, si Ms. Sandra Chavez and naging okay naman ‘yong dealings," pagtatapos ni Gian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN