"Asian Treasures" and "Super Twins" to end in June


Two primetime GMA-7 shows are about to end in June, Asian Treasures and Super Twins (in photo). These will be replaced by two exciting programs, Impostora and Shaider.



One season plus one week (fourteen weeks) lang ang original contract ng Super Twins nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Nadine Samonte. Two seasons naman ang contract nina Robin Padilla at Angel Locsin sa kanilang Asian Treasures. Thus, kahit naunang nag-pilot ang Asian Treasures, mauuna pa ring magtatapos ang Super Twins. Na-extend na rin ang Asian Treasures at this point.

"Extended na nga ito ng three weeks dahil sa taas ng ratings," sabi ng Program Manager ng Asian Treasures na si Ramel David.

June 1st magtatapos ang show and by June 4, papalitan na ito ng Impostora nina Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Two weeks later, June 18, saka naman magtatapos ang Asian Treasures at papalitan naman ito ng Shaider, with Marky Cielo playing the title role.

Gustuhin man ng production, hindi na rin kasi puwedeng ma-extend ang Super Twins dahil nakaabang na ang mga next projects ng ilan sa mga artista at pati na rin sa production crew.

Kailangan nang simulan ni Dominic Zapata, director ng Super Twins, ang next project niyang Shaider.

May nakaabang na ring shows para kina Jennylyn, Nadine, at Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN