Joyce Jimenez finds no reason to confront Eric Fructuoso


"I don't think it's proper for a guy to talk in public about the women he had sex with. It's really not proper," says Joyce Jimenez about Eric Fructuoso's claim that he had slept with her.



Sinabi ng sexy actress na si Joyce Jimenez na hindi raw niya pinag-aaksayahan ng panahon at atensiyon ang pagkakabanggit ng pangalan niya ni Eric Fructuoso nang minsang mag-guest ang dating matinee idol sa radio program ni DJ Mo Twister. Isa si Joyce sa binanggit ni Eric na famous celebrtities na nakasiping na niya.

Matatandaang sa nasabing programa rin ni DJ Mo binanggit ni Borgy Manotoc na nakasiping na niya si Vina Morales. Nang aksidenteng magkita sina Borgy at Vina sa Greenbelt, Makati, ay nakatikim ng malakas na sampal si Borgy mula kay Vina.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joyce kung ganito rin ba ang gagawin niya kung sakaling magkita sila ni Eric. Ayon sa sexy actress, hindi worth ng kanyang oras at effort na sampalin ang dating member ng Guwapings. Wala raw siyang panahon para sa mga walang relevance na issues.

"I don't think it's proper for a guy to talk in public about the women he had sex with. It's really not proper. Why I never confronted him? I would never stoop to that level, hindi ko gagawin ‘yon. What for?" paliwanag ni Joyce.

Samantala, pinabulaan naman ni Joyce ang balitang nagparetoke siya ng mukha kay Dr. Vicki Belo. Pero inamin niyang nagpa-smart lipo siya sa sikat na beauty doctor upang mabawasan ang kanyang excess fats.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN