PBB evictee Maricris Dizon regrets verbal threat against another housemate


"Siguro ang tingin ng tao sa akin, sobrang taray ako, na freak daw ako.Hindi kasi ako ganoon ka-conscious sa camera. Pero kung anuman angtingin nila sa akin, wala akong magagawa," says Pinoy Big Brother Season 2 housemate Maricris Dizon, who was kicked out from the PBB house because of a threat she made against Beatriz Saw.



Labis na ikinalungkot ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 housemate na si Maricris Dizon na mismong si Kuya ang nagpalayas sa kanya. Pero pinagsisisihan din daw niya ang nasabi niya sa loob ng Bahay ni Kuya na sasaksakin niya ang nakaalitang co-housemate na si Beatriz Saw. Dahil sa kanyang sinabi kaya pinatawan ni Kuya si Maricris ng forced eviction.



"Hindi ko magagawang manakit ng kapwa. Hanggang salita lang ako. Siyempre pag galit tayo minsan, sa sobrang bugso ng damdamin, kung anu-ano na lang ‘yong lumalabas sa bibig natin. Pero di mo naman mini-mean talaga," paliwanag ni Maricris nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ipinatawag na press con ng ABS-CBN para sa kanila ng isa pang PBB evictee na si Wendy Valdez.



Aware din pala si Maricris sa usap-usapang may sayad siya. Naririnig-rinig na raw niya iyon, pero alam naman daw niya sa sarili niya na hindi siya ganoon.



"Siguro ang tingin ng tao sa akin, sobrang taray ako, na freak daw ako. Hindi kasi ako ganoon ka-conscious sa camera. Pero kung anuman ang tingin nila sa akin, wala akong magagawa," sabi ni Maricris.



In fairness kay Maricris, 27, nagtapos siya ng kursong Perito Aziendale Corr. Ligue Estere (PACLE)—which means Management—sa ITC Fabio Besta sa Milan, Italy. Sa Pampanga ipinanganak si Maricris ngunit dinala siya ng kanyang parents sa Italy when she was nine years old.



May Pinoy boyfriend din si Maricris sa Italy na nagngangalang Jun Bautista. Seven years na raw silang mag-on ng kanyang boyfriend.

Sa loob ng Bahay ni Kuya ay naging malapit si Maricris sa housemate niyang si Nel Rapiz. Kuwento ni Maricris, natawa lang daw ang boyfriend niya nang magkaroon ng isyu linking her to Nel.



"Magkaibigan lang kami ni Nel. Wala kaming relasyon," diin ni Maricris.



Sinabi namin kay Maricris na kung pagbabasehan ang mga eksenang napapanood sa TV, halatang nagkagusto rin talaga siya kay Nel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi po," tanggi niya. "As in close friend lang talaga ang feeling ko sa kanya. Tsaka maliwanag din sa kanya na magkaibigan lang kami."



Siyempre, para kay Maricris ay si Nel ang magiging big winner sa second season ng PBB, although nominated si Nel for eviction this Saturday.



"Gusto ko siyang manalo kasi natatawa ang tao sa kanya. Napapasaya niya kahit sino ka pa," sabi ni Maricris.



Balak bumalik ni Maricris sa Italy next month. Hinihintay lang daw niyang lumabas ang mga kasama niya sa Bahay ni Kuya. Gusto raw kasi niya ulit makita ang mga ito at makasamang gumimik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN