Dino Guevarra files petition for annulment of marriage to Kim delos Santos


Actor Dino Guevarra is about to file petition for annulment of his marriage to Kim delos Santos, who is now based in the United States. Dino just needs to undergo a psychriatric evaluation before he can start processing the annulment papers.



Anytime ay ipa-file na ni Dino Guevarra ang petition for annulment ng kasal nila ng dating asawang si Kim delos Santos. Sa United States na ngayon naninirahan si Kim.

Balita ni Dino sa PEP (Philippine Entertainment Portal), naging maganda ang pagtanggap ni Kim sa ipinadala niyang email message. Nakasaad din sa nasabing email message ang possible grounds kung bakit gustong ipawalang-bisa ni Dino ang kanilang kasal.

Malinaw sa mensahe ni Dino na silang dalawa ang nagkaroon ng problema at hindi lang siya o si Kim. Kung si Kim lang ang isinalang na ground ni Dino, malamang na hindi pumayag si Kim.

Sa pagkakaalam ni Dino, tapos na ang samaan ng loob nila ni Kim kahit hindi na sila nag-uusap nito. Ang basehan ng aktor ay ang pakikipag-cooperate ng dating asawa sa nasabing petition for annulment.

Medyo naghahapit ng budget ngayon si Dino sa gagastusin sa annulment. Naghahanap din ang dating matinee idol ng mahusay na psychiatrist na mababa lang ang professional fee.


Sa huling pakikipag-usap namin kay Dino, sinabi nitong hindi niya kayang magbayad ng sampung libong piso para sa psychiatrist kaya nagtatanong siya kung may kilala kaming mura sumingil. Ito na lang daw kasi ang kulang para mai-file na niya sa korte ang petition.

Walang advice ang legal counsel ni Dino kung kailangan pa ni Kim na mag-undergo ng psychiatric evaluation or test kaya siya lang ang kukuha nito.

Samantala, happy at proud si Dino sa piling ng kanyang bagong girlfriend na konektado rin sa showbiz. Kahit saang showbiz events, basta ipinu-produce o organized ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng girlfriend ni Dino, ay nandoon silang dalawa.

Walang nakikitang problema si Dino sa pagbabandera niya ng kanyang girlfriend sa isusulong na petition for annulment. Matagal na raw kasi silang hiwalay ni Kim at may sarili na itong buhay. Saka na lang daw niya pag-iisipan ang gagawin kapag binigyan siya ng advice ng kanyang lawyer tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging isa sa pinakasikat na loveteams noong ‘90s ang tambalan nina Dino at Kim sa bakuran ng Viva Films. Kasabayan nila noon ang tambalan nina Antoinette Taus & Dingdong Dantes at Sunshine Dizon & Polo Ravales.

Nagkaroon ng totohanang relasyon ang tatlong pares, pero sina Dino at Kim lang ang nagpakasal ngunit sa kasamaang-palad ay nauwi rin ito sa hiwalayan. Hindi nagbunga ang pagsasama nila, pero si Kim ang nag-alaga sa anak ni Dino sa dati niyang karelasyon.

Regular na napapanood si Dino sa GMA-7 sitcom na Bahay Mo Ba To?.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN