Dennis Trillo celebrates his 26th birthday


Matinee idol Dennis Trillo celebrated his 26th birthday last May 12 with his friends and family at the newly-opened Barrakz Bar in Tomas Morato, which he partly owns.



Imbitado ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa celebration ng 26th birthday ng matinee idol na si Dennis Trillo last May 12 (his actual birthday), sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, Quezon City. Isa si Dennis sa 10 investors ng naturang bagong bukas na bar.

Ayon kay Dennis, ayaw na sana niyang i-celebrate ang kanyang 26th birthday, pero naisip niya na minsan lang siyang magpa-party at makasama ang showbiz and non-showbiz friends niya at ang kanyang pamilya. Dapat din daw niyang ipagpasalamat ang patuloy na magandang takbo ng kanyang career. Pagkatapos kasi ng Super Twins ay may kasunod na siya agad na project sa GMA-7, isang Sine Novela.



Dumating at nakisaya kay Dennis sa kanyang kaarawan ang favorite leading lady niyang si Angel Locsin, na nakapareha niya sa Mulawin, Darna, at Majika. Medyo na-late si Angel kaya kinabahan na ang young actor na baka hindi dumalo ang young actress.

Nasa birthday party rin ni Dennis sina Mother Lily Monteverde, Karylle, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Alfred Vargas, Valerie Concepcion, Marian Rivera, Ian de Leon, Malou Choa-Fagar, at marami pang mga taga-GMA 7. Walang maintriga ang press dahil absent si Carlene Aguilar, ang rumored preggy girlfriend ni Dennis. Wala ring nagtanong sa matinee idol kung invited ang dating beauty queen sa kanyang birthday party.



Sa June 20 pa ang opening ng Barrakz, pero binuksan ito that night para sa party ni Dennis. Sa porch sa may second floor ng bar ginawa ang party. Nakita ng PEP na inikot ni Dennis ang venue mula taas hanggang baba at nagandahan siya sa nakita. Sulit ang investment niya na hindi sinabi kung magkano. First business venture niya raw ito at mukhang masusundan pa.



Birthday wish ni Dennis na ma-maintain kung anuman ang nasa kanya ngayon at maalagaan niya nang husto para sa lahat. Ang birthday gift niya sa sarili ay Blu-Ray discs ng favorite movies niya. Ang Blu-Ray discs, ayon kay Dennis, ay ang papalit sa VCDs at DVDs. In-explain pa ni Dennis sa PEP ang kagandahan ng Blu-Ray, high-definition daw ito at mas maganda ang sound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Excited si Dennis dahil sa May 26, aalis siya patungong United States para sa GMA Pinoy TV kasama sina Ara Mina at Gladys Guevarra. First time niya raw ito sa US at kahit sa New Jersey ang kanilang show, pupunta raw siya sa New York with his family at nag-promise na hahalik siya sa lupa pagdating doon. Next na gustong mapuntahan ni Dennis ang ilang parte ng Europe.



Pinoproblema lang ni Dennis ang last shooting day ng Super Twins na naka-schedule sa May 25. Paano nga naman kung ma-late siya sa kanyang flight dahil sa taping? Wish ng matinee idol na malipat sa mas maagang date ang taping para hindi siya puyat at ngarag na sasakay sa eroplano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN