Angel Locsin to star in the Pinoy version of "Marimar"?


Young actress Angel Locsin (right) is rumored to be reprising the role that Mexican actress Thalia (left) popularized in Marimar. "Narinig ko na rin po 'yon, pero hanggang hindi pa kasi nagsisimula, ayoko munang umasa," says Angel about the project.



Magkasabay na dumating sa unang gabi ng burol ng talent manager at entertainment writer na si Joey Diego ang dalawa sa dating Click mainstays na sina Angel Locsin at Trisha Roman. Taliwas ito sa balitang sina Angel at Marvin Agustin ang magkasabay na dumating. Naunang dumating ang nali-link sa kanyang si Marvin at mahigit kalahating oras bago ang pagdating nina Angel at Trisha.

Napag-usapan namin ni Angel ang nalalapit na pagtatapos ng Asian Treasures nila nina Marvin, Robin Padilla, Diana Zubiri, Marky Cielo, at Glaiza de Castro. Sa May 21, lilipad ang production and cast sa China for a 13-day taping sa Beijing and Macau at pagbalik nila rito, last taping week na sila.

Sa June 15 nakatakdang magtapos ang Asian Treasures, possibly on its 22nd week. Originally scheduled as a 13-week series, ilang beses na itong na-extend.

Naitanong din namin kay Angel ang bali-balita na ang next soap niya will neither be fantasy nor action but a drama, ang Philippine version ng Marimar ni Thalia.

"Narinig ko na rin po 'yon, pero hanggang hindi pa kasi nagsisimula, ayoko munang umasa," sabi ni Angel.

Medyo reluctant si Angel na gawin ang isa sa pinaka-popular soap ng Mexican superstar na si Thalia—na part of her series of Maria soap operas starting with Maria Mercedes, then Marimar, and Maria La Del Barrio. Ang Marimar ang sinasabing nagpasimula ng Mexican-novela craze bago napalitan ng Chinovela fever starting with Meteor Garden ng F4.

"Hindi ko yata kayang gawin 'yon. Di ba, madalas magsayaw si Thalia doon? Hindi ako marunong magsayaw," natatawang sabi ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN